Dianne Medina, tulay kina Arjo Atayde at Alex Gonzaga

ADVERTISING

Dianne Medina, tulay kina Arjo Atayde at Alex Gonzaga

Diane-MedinaISA SA mga naging tulay pala para mapalapit itong si Arjo Atayde kay Alex Gonzaga ay itong si Dianne Medina na girlfriend for seven years nitong si Rodjun Cruz.
“Magkaibigan kami ni Alex, kaya nu’ng malaman ni Arjo, nag-text siya sa akin at nagtanong kung ano ang favorite chocolate ni Alex. Sinabi ko Royce, ‘yun na!” sabi ni Dianne.
Sa TV5 pa, close na kami ni Alex. Kahit na kontrabida ang papel ko sa show namin,” sey ni Dianne nang mag-guest siya sa amin last Thursday sa Wow It’s Showbiz sa Radyo Inquirer 990 khz.
Anyway, wala naman ding problema kay Sylvia Sanchez ang napapabalitang panliligaw ni Arjo kay Alex. Basta raw respectful ay boto na si Ibyang.
Pati ang father ni Arjo na si Art ay natanong na rin namin. Very vocal kasi si Arjo na gusto niya at crush ang dalaga ng mga Gonzaga.
“Mahirap makialam sa lovelife, lalo na kay Arjo. Kapag in love ang anak ko, masyadong loyal. Pero sana, trabaho dapat din,” sey ni Papa Art Atayde.
Kasama si Arjo sa Pure Love na simula na ngayong Lunes.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING