Dianne Medina, nagbawas ng kaibigan sa Facebook dahil kay Maxine Medina

ADVERTISING

Dianne Medina, nagbawas ng kaibigan sa Facebook dahil kay Maxine Medina

Hindi na napigilan ng TV host-actress na si Dianne Medina ang maglabas ng kanyang saloobin. Nagbawas siya ng mga kaibigan sa Facebook dahil sa pagbatikos ng mga ito sa kanyang pinsang si 2016 Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina na super close sa kanya. 

ADVERTISING
Dianne Medina, nagbawas ng kaibigan sa Facebook dahil kay Maxine Medina
Dianne Medina

Si Maxine ang kandidata ng Pilipinas sa 65th Miss Universe pageant na gaganapin dito sa Pilipinas sa January 30.

Nitong Sabado, January 14, nag-post sa kanyang Facebook account si Dianne, sabay banat niya sa “insensitive friends” sa naturang social networking site dahil sa pamumuna at pagbatikos ng mga ito sa kanyang pinsan.

Ani Dianne sa kanyang post: “FAKE FRIENDS FAKE LOVE. For all of my INSENSITIVE friends here in fb who still share, like, make comments and say negative things about my cousin, YOU will be DELETED/BLOCKED!

ADVERTISING

“If some of you are wondering why we aren’t friends anymore and you don’t have access to my account, it’s because I already UNFRIENDED YOU.

“Truly, we can’t please everyone, so yeah, I’m really sorry but I have to do this to end things in a PEACEFUL WAY. NO WORDS, JUST BLOCK. #FO Still, God bless everyone! ?#LABANMAXINEMEDINA”

Dugtong pa ni Dianne sa bashers ng kanyang pinsang si Maxine, “Don’t mess with my cousin, Dadaan muna kayo samin- Perez/Medina Family.”

Sana suporthan na lang natin si Maxine para sa laban niyang ito. Ipag-pray na lang natin si Maxine na makuha niya ang back to back tittle as Miss Universe. Hindi natin hawak ang kapalaran niya, baka sa darating na pageant night malokah lahat kayo dahil may pasabog na gagawin si Maxine, most especially sa Q&A. Relax lang tayo at suporthan na lang natin siya. ‘Yun nah! 

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING