Diane Ventura, natupad ang pangarap na makagawa ng full length film

ADVERTISING

Diane Ventura, natupad ang pangarap na makagawa ng full length film

Diane-VenturaKATUPARAN NG pangarap ng baguhang filmmaker na si Diane Ventura ang makapagdirek ng isang full length film, via Mulat (Awaken) na bida sina Jake Cuenca, Ryan Eigenmann, at introducing ang bagong aktres na si Loren Burgos.

Una naming nakitaan ng potensiyal sa pagdidirek si Diane nang mapanood namin ang kanyang TheRapist a couple of years ago. Isa itong short film with Cherie Gil as lead actress, and in fact, kami pa ang nag-“curate” ng movie na ‘yun sa Viddsee, isang online platform of the best short films in Asia.

Hanggang sa natapos na ni Diane ang kanyang pag-aaral ng Filmmaking sa New York, USA, nagsulat ng script at sinubukang mag-shoot ng isang full length film, at kami rin ang nag-convince sa kanya at sa producer niyang si Day Cabuhat na subukang sumali sa MMFF New Wave, ang indie category ng MMFF, ipalalabas sa December 17-24 sa SM Megamall at Glorietta 4 cinemas.

Super overwhelmed si Diane dahil noong araw na napili sa Pilipinas ang Mulat (Awaken) niya ay ‘yun din ang gabi sa Amerika na nanalo naman siya as Best Director (Global) sa International Film Festival Manhattan (IFFM) for the same movie, at nagwagi rin si Jake as Best Actor.

ADVERTISING

“Iba pa rin ‘pag ang pelikula mo ay maipalabas sa sarili mong bansa,” banggit ni Direk Diane. “I’m thankful for this wonderful opportunity na binigay ng MMFF New Wave sa mga bagong directors like me.”

Ang Mulat (Awaken) ay kuwento ng isang babaeng malapit nang ikasal na dahil sa isang matinding panaginip ay “namulat” na huwag ituloy ang kasal. Hanggang sa may nakilala siyang ibang lalaki na inakala niyang soul mate niya.  Pero isang kakaibang karamdaman ang muling magpapabago ng kanyang buhay pag-ibig. 

Hindi rin naman daw na-initimidate si Diane sa dalawa niyang aktor na matagal na sa industriya.

“They are collaborative and professional and walang naging problem on the set. I’m so happy I made this with them as my actors,” say ni Direk Diane na siya ring nagtiwala kay Loren, to think na new face pa lamang ito.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING