Diana Zubiri, Mrs. Smith na

Diana Zubiri, Mrs. Smith na

Diana-Zubiri-Andrew-SmithCONGRATULATIONS PALA sa bagong kasal na sina Diana Zubiri at Andy Smith na nagpakasal na nu’ng nakaraang Linggo sa Sampaguita Gardens.

Isang simpleng civil wedding ang seremonya ng pag-iisang dibdib nina Diana at Andy na dinaluhan ng pamilya niya at mga malalapit na kaibigan.

Siyempre si Diana ang kilala kaya ang nakilalang mga friends niya na dumalo ay mga taga-showbiz din.

Ang mga ninong at ninang na nakarating ay sina Ogie Alcasid, Arnold Clavio, direk Mark Reyes, Shirley Pizarro, at ang manager ni Diana na si Jojo Gabinete.

Ang pagkakaalam ko, ninang din sina Regine Velasquez, pero hindi nakarating dahil nag-celebrate ng Mother’s Day sa Mama niya.

Ninong din si Michael V, pero nasa Amerika pa yata. Kaya absent din sila.

Na-cover ng Startalk ang buong seremonya at naaliw sila sa exchange of vows na kung saan mga lyrics daw ng mga love songs ang vow ni Diana, na kung saan doon niya ipinahayag ang damdamin niya sa relasyon nila ni Andy. Pareho nga raw silang emotional, at hindi nila naiwasang maiyak.

Nakakatawa raw si Diana dahil pagkatapos daw ng kasal sinabi raw niya sa mga nag-interview na ang sosyal na raw ng pangalan niya dahil Smith na ang apelyido niya. Parang Angelina Jolie lang sa pelikula nila ni Brad Pitt na Mr. and Mrs. Smith. ‘Yun na!

Pagkatapos ng wedding ay back to work na raw si Diana dahil may drama series pa siyang gagawin. Kapag maayos na raw ang schedule, balak nilang sa Europe na mag-honeymoon. Ang sosyal nga nina Mr. and Mrs. Smith!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis