Diamond star Maricel Soriano, magbabalik-telebisyon na?!

ADVERTISING

Diamond star Maricel Soriano, magbabalik-telebisyon na?!

Diamond star Maricel Soriano, magbabalik-telebisyon na?!
Maricel Soriano with brother Mel Martinez and son Tien

ANG TAGAL na rin hindi nasisilayan ang aktres na si Maricel Soriano sa showbiz.

 
Ewan ko kung bakit nawala siya gayong the last time na naramdaman siya, akala ko ay ‘yun na muli ang pagkakataon na manunumbalik ang kanyang sigla.
 
Ang mga kaliga ni Maria, nagbabalik na. Si Sharon Cuneta, kasama sa isang reality show ng mga mga bagets as one of the celebrity coaches kasama nina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo.
 
As of this writing ay nasa US lang si Mega to fulfill the remaining shows ng kanyang concert series Sa katunayan, si Sharon nakagawa pa ng isang indie film na Äng Pamilya na Hindi Lumuluha para sa darating na CineMalaya sa direksyon ni Mes de Guzman.
 
Si Aga Muhlach, balik-showbiz na rin after more than 5-6 years of absence sa acting pero sa muling pag-arte  niya, bongga ang pelikula na gagawin niya with Dingdong Dantes, Enrique Gil, Ronaldo Valdez at Cristine Reyes sa direksyon ng no less than Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.
 
At si Maria? Magbabalik siya sa ABS-CBN Kapamilya Network na ayon sa balita na nakarating sa amin, isa siya sa magiging judge ng Pilipinas Got Talent (PGT).
 
Pero mas bongga ang pagbabalik eksena na Maria kung sasahugan ng isang magandang MMK episode. Mas bongga!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING