Diamond engagement ring bigay ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, ‘di bababa sa 5 carats

ADVERTISING

Diamond engagement ring bigay ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, ‘di bababa sa 5 carats

Marian-Rivera-Engagement-RingTUMPAK! PAG-IBIG made in heaven ang relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa mga Instagram posting ng mga malalapit sa dalawa, nakita naming andu’n ang pamilya ng magsing-irog.

Kung sa bagay, close naman ang pamilya nina Dong at Yan sa isa’t isa. Andu’n ang mga manager ng dalawa to witness ang supposed to be simpleng TV guesting ng aktor sa 30th birthday special celebration sa weekly dance show ni Yan sa Kapuso Network.

Walang nag-akala na magiging isang malaking bagay pala sa buhay ng dalawa sa usaping pag-ibig nang lumuhod na ang binata at nagbitaw ng linya sa dalaga. Yes, nag-propose live on national television si Dingdong sa girlfriend niyang si Marian kasabay ang pag-abot ng isang mamahaling diamond ring na binili ng binata sa sikat na international jeweler na Harry Winston na kilala sa kanilang mga engagement at wedding rings and bands.

ADVERTISING

Nabalitaan namin na sa New York binili ng binata ang singsing noong nagkita sila ni Yan sa recent US trip ng binata for a show sa Chicago kung saan sa Big Apple na sila nag-meet ng katipan.

Nang ipakita namin ang photo ng engagement ring ni Yan na ang dalaga mismo ang nag-post at nagmalaki, sabi ng isang kakilala naming may alam sa mga ganitong uri ng expensive jewelries, hindi raw bababa sa 5 carats ang naturang singsing. Kung hindi kami nagkakamali, ito na ‘yong pangalawang singsing na bigay ni Dingdong sa kanyang financee. ‘Yong una,noong nabakasyon sila sa Macau.

Sabi nga ni Yan sa high na high na feeling niya matapos ang mala-fairytale na eksena sa kanyang future husband, “Hanggang ngayon, nasa alapaap pa rin ako lalo na sa sinabi mong ako ang sagot sa ‘yong mga dasal at gusto mong ipagsigawan sa mundo kung gaano mo ako kamahal… haaay mahal ko… Mahal na mahal kita.”

Matapos ang kaganapan last Saturday night bukod sa feeling heaven ang magkarelasyon, proud na proud si Yan na ipinakita sa kanyang IG account ang unag singsing na bigay ng binata sa kanya.

As of this writing, wala pang detalye tungkol sa kasalang magaganap.

Actually last week, nang isulat namin na magiging special guest si Dong sa show ni Marian, akala nga namin next year pa ang magiging announcement. ‘Yun pala, binigla ng binata ang dalaga.

Ang kuwento pa nga, hindi nga raw masyadong kumu-kontak ang binata sa dalaga noong araw na ‘yun kung saan kasama ng dalaga ang ina at lola nito sa tinatawag niyang “Fridate”. ‘Yun pala may isang malaking sorpresa na gagawin si Dong noong gabing ‘yun.

Sa totoo lang, sa mga showbiz couple natin, sina Dingdong at Marian ang masasabing hindi “showbiz na showbiz” ang relasyon. Kumbaga, alam ng showbiz at ng mga fans na sila pero hindi bawat utot nila at dighay ay ipinaaalam nila, rason din para hindi masyadong maging kalakal ang relasyon nila.

Nasusundan namin sa mga Instagram posting ang dalawa kung paano magmahalan. Ang mga short lunch break na nagsasama sila para mag-bonding kahit pareho silang busy.

Next year we expect a grand wedding. Mabuhay kayo Dingdong at Marian.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING