‘Di tulad ng iba na ‘di pa man sikat
Gerald Anderson, sobrang magiliw sa media!

ADVERTISING

<b>‘Di tulad ng iba na ‘di pa man sikat </b><br>Gerald Anderson, sobrang magiliw sa media!

<b>‘Di tulad ng iba na ‘di pa man sikat </b><br>Gerald Anderson, sobrang magiliw sa media!NAKAUSAP NAMIN si Gerald Anderson sa kasalan nina Marco Alcaraz at Lara Quigaman at nagpaunlak siya ng mahabang panayam sa media na nandu’n. Hindi siya ‘yung tipong nangingilala sa mga press o TV networks or shows at hindi siya ‘yung tipong nagtatanong kung saan ba ito ilalabas o anong channel ba ang nag-interview sa kanya.

ADVERTISING

Say namin kay Gerald, “Kumusta ka na? Kasi halos isang taon na din na hindi tayo nagkakausap.” Sagot nito, “Oo nga eh, pero okay lang ako.”

Noong nagsisimula pa lang ang TV5, palagi naming nai-interview si Gerald kasama ang kanyang ka-love team pa noong si Kim Chiu. Present din kami noong grand launch ng kanilang teleserye kahit sa ELJ Building pa ang presscon, dahil hindi pa masyadong mahigpit noon ang ABS-CBN sa TV5.

Ngayong masyado nang umiiral ang network war, minsanan na lang namin natitiyempuhan si Gerald. Pero ‘pag nagkataon, nagpapa-interview ito sa amin. Hindi katulad ng dalawang hindi pa man masyadong sumisikat na personalidad, na akala mo’y regalo ng langit sa mga media people.

ADVERTISING

Hay naku, salamat sa kabaitan ni Gerald, kaya naman hindi ito napupulaan ng media na nag-iinarte. ‘Di ba XL and SY?

 

NANG MAKAUSAP namin si Daniel Matsunaga sa presscon ng Enchanted Garden noong nakaraang Linggo, sinabi niya na maganda si Alex Gonzaga at kikay. Gusto raw niyang makilala nang lubusan ang co-star sa serye at wala naman daw masama dahil pareho silang single.

Ayon pa sa kanya, “She’s so mabait and funny.”

Sa kabilang banda, naibulong namin kay Alex na nagagandahan sa kanya si Daniel at ang tanging nasabi naman nito, “Ang guwapo rin niya.”

Well, sana magkaroon ng magandang rapport ang dalawa sa set at wish naming uma-lagwa sa ratings ang Enchanted Garden.

 

HABANG NASA kumpulan kami sa may Emergency Room area ng Makati Med, nakausap namin ang mga kasamahan naming nagko-cover sa paglisan ni Mang Dolphy. At say nila sa amin, sabi raw ni Xian Lim sa kanila, ang kanyang RM (road manager) daw dapat ang magso-sorry sa mga media na inisnab nito kamakailan sa isang event.

Um-oo man daw ito sa aming kasamahan na magpa-interview after the event para sabay-sabay na ang lahat ng network,  bigla raw umayaw ang kanyang road manager para sa interview at wala na siyang magagawa.

Well, at least nagpakatotoo siya. Ang tanong, eh bakit sa isang party ay inisnab din daw nito si Vice Ganda? At sa isang out of town shows, bakit pinagtataguan diumano ni Xian ang mga gustong magpa-picture sa kanya?

Ay, naku! Marami pang kuwento ang magluluta-ngan tungkol sa pagiging ‘snub’ nitong si Xian. Ayaw ni Kim Chiu ng ganyan, ha?!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING