‘Di sinipot ang last airing
Raymond Gutierrez, nagtampo sa pagkatsugi ng show?!

ADVERTISING

<i>‘Di sinipot ang last airing</i><br>Raymond Gutierrez, nagtampo sa pagkatsugi ng show?!

<i>‘Di sinipot ang last airing</i><br>Raymond Gutierrez, nagtampo sa pagkatsugi ng show?!

BALITANG NAGTAMPO raw si Raymond Gutierrez sa pagkakatsugi ng show nila nina Jennylyn Mercado at Roderick Paulate na HOT TV sa GMA 7.

Kaya raw hindi na nagpakita or dumating pa si Raymond sa last airing ng Sunday show para magpaalam, kaya si Heart Evangelista na naging guest co-host nila ang pumalit sa kanya.

Pero walang makapagsabi ng tunay na dahilan sa hindi pagsipot ni Raymond sa last airing ng show. Karamihan ng mga kasama niya sa show ay nagsasabi na baka nagtatampo raw ito sa pagkatsugi ng kanilang Sunday TV show.

ADVERTISING

Ayon sa nakapag-tsika sa amin na nu’ng nakaraang Linggo lang daw nalaman ng mga host ang posibleng mangyayari sa show. At hindi rin daw tiniyak sa kanila ang tuluyang pagkasibak ng show. Sinabi lang daw na baka hindi na i-renew ng Kapuso management ang extension ng show.

Isa pa raw sa posibleng nakadagdag ng tampo ni Raymond ay diumano ang balitang nakarating dito na baka bawasan ang ilang segments sa Party Pilipinas, kung saan isa rin sa mga host ang award-winning talk show host.

Anyway, bukas ang column namin kung anuman ang tunay na dahilan ni Raymond sa hindi niya pagsipot sa last airing ng HOT TV.

Sa ngayon, mga pelikula muna ang ilalabas sa mababakanteng ere na ginamit ng HOT TV.

 

AYAW TULDUKAN ni Michael V. ang napabalitang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5 kapag nag-expire na ang kontrata ng huli sa GMA-7 sa June ng taon.

“Ako kasi hangga’t ‘di nangyayari, ‘di ako… kumbaga, ‘di ko pa tutuldukan. At saka matagal pang mag-expire… matagal pa ‘yan, ‘di ba?” say ni Michael V nang pasyalan namin sa taping ng Bubble Gang.

“Actually, when you review the contract (contract of Ogie Alcasid) you’re not suppose to talk about it. Kaya ginagamit niya (Ogie) ang right niya na hindi muna magbigay ng pahayag about the issue.

“Pero ang sigurado tayo is, there’s an offer made. There’s negotiation na nangyayari o namamagitan,” patuloy pa ni Michael V.

Ask kung may offer din ba siya sa ibang TV network? Tulad ng offer na ginagawa ng TV5 kay Ogie?

“Oo! May standing offer din sa akin. Ako naman ay open din sa mga ganyan. Kung makakaganda ba sa aking career, bakit hindi, ‘di ba? Ako kasi, ayoko na ‘eto at ‘eto ang aking ginagawa. From time to time, dapat may kabisihan ka rin na….” say pa ni Bitoy.

Per project ang kontrata ni Michael V kaya possible raw na magkasama rin sila ni Ogie (kung talagang lilipat na ito) at nang iba pang artistang nag-ober da bakod.

 

MAGING SI Ogie Alcasid ay ayaw magbigay ng comment about the issue. Hindi raw siya puwedeng magsalita. Hintayin na lang daw kapag nag-expire na ang kontrata niya na magtatapos sa buwan ng June ng taon at saka pa lang daw siya puwedeng magbigay ng pahayag. Basta for the meantime ay kayod pa rin siya sa mga show sa GMA-7.

Samantalang natawa nang malakas si Ogie nang iparating namin sa kanya na sex ang gustong birthday gift ni Regine Velasquez sa kanya.

“Ha! Ha! Ha! Sinabi niya ‘yun! Huwag masyado, baka mapagod, hahahaha!” Napapailing na say ni Ogie.

Samantalang kaabang-abang ang part 2 ng summer presentation ng Bubble Gang na mapapanood ngayong Friday ng gabi sa Kapuso Network.

Guest naman nila next Friday si Ryan Agoncillo na matagal na raw gustong lumabas sa longest running gag show sa telebisyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING