‘Di raw kasi type ng pamilya ni MatteoGuidicelli ang young actress
Maja Salvador, ineeksenahan ni Sam Milby?!

ADVERTISING

<b>‘Di raw kasi type ng pamilya ni MatteoGuidicelli ang young actress</b><br> Maja Salvador, ineeksenahan ni Sam Milby?!

<b>‘Di raw kasi type ng pamilya ni MatteoGuidicelli ang young actress</b><br> Maja Salvador, ineeksenahan ni Sam Milby?!

MALABO PA ang mga sagot ni Sam Milby kapag tinatanong siya kung nanliligaw ba siya o may relasyon na silang dalawa ni Maja Salvador. Marami na kasi ang nakapapansin na parang bigla silang naging masyadong close sa mga panahong ito. Pero siyempre’y aminado silang pareho na hindi naman sila ngayon lang nagkakakilala, dahil pareho nga silang Kapamilya stars, kaya naroon na talaga ‘yung magandang samahan.

Mahirap siyempre ang katatayuan ngayon ni Sam, dahil may isyu ngayon ng pagkakalabuan ang magkarelasyong sina Maja at Matteo Guidicelli na pareho pang hindi rin nagsasalita nang diretso tungkol sa tunay na estado ngayon ng kanilang pagmamahalan. Pero halos dalawang buwan na ring nahahalata na parang nagkakalamigan sila. Napapansin na kasi na kapag magkahiwalay sila at napag-usapan ang isa’t isa ay wala na ‘yung dating kilig na nakikita mo sa kanilang mga hitsura.

Isa sa mga katangian ni Matteo ay ‘yung nag-uumapaw niyang breeding. Napaka-gentleman niya, kaya maraming manunulat ang nag-aalangang itanong sa kanya kung totoo ang tsismis, na ang isa sa mga rason ng hindi nila pagkakasundo ngayon ni Maja ay dahil hindi boto ang kanyang pamilya sa maga-ling na young actress!

ADVERTISING

Parang mga kadramahang eksena sa teleserye, na sobrang mayaman ang angkan nina Matteo, kaya raw kauri rin nila ang dapat mapangasawa ng guwapong actor?

 

DAHIL MARAMI nga sa mga taga-showbiz ang takot na at umiiwas na mapagbuntunan ng galit at pagtataray ni Tita Annabelle Rama, kaya tikom ang kanilang bibig para magsalita ng mga kuwentong baka makarating sa Mommy ni Ruffa Gutierrez.

Katulad na lamang ng pinagtsitsismisan ngayon, na diumano’y baka raw kapusin na si Tita Annabelle ng kanyang pisi tungkol sa pinansiyal, dahil ang dami-dami niya diumanong pagkakautang sa kung sinu-sinong tao, lalo na sa mga dati niyang kaibigan.

<b>‘Di raw kasi type ng pamilya ni MatteoGuidicelli ang young actress</b><br> Maja Salvador, ineeksenahan ni Sam Milby?!

Pinag-uusapan ngayon, na baka raw takot lang magreklamo ang mga alagang artista ni Tita Annabelle. Pero karamihan daw sa kanyang mga tinutulungang artista sa kanyang kuwadra ay nagrereklamo na umano, dahil kesyo hindi pa raw nila natatanggap ang kanilang talent fee sa mga proyektong ginawa at gagawin pa ay naka-bale na raw sa iba’t ibang kumpanya ang wife ni Tito Eddie Gutierrez. Kaya nagugulat na lang daw ang mga alaga ni Tita Annabelle na mayroong ganu’ng mga pangyayari.

Ang dami-daming tsika ngayon para ilaglag si Tita Annabelle. Maghunus-dili sana si Tita Annabelle sa kanyang pagtataray, dahil ang dami-dami niyang lihim at hayag na mga kaaway sa ngayon. Pero huwag naman nating alisin sa Mommy ni Richard Gutierrez ang kanyang karapatan na maipagtanggol din naman ang kanyang sarili para magkaalaman na kung sinisiraan lang ba siya sa pamamagitan ng ganitong isyu o ito ay may halong katotohanan.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING