‘Di raw kasi sila naging beautiful affair
Janice de Belen, parang sinampal ni John Estrada

ADVERTISING

<i>‘Di raw kasi sila naging beautiful affair</i><br> Janice de Belen, parang sinampal ni John Estrada

<i>‘Di raw kasi sila naging beautiful affair</i><br> Janice de Belen, parang sinampal ni John Estrada

MASAKIT ‘YONG statement ni John Estrada tungkol sa dating asawa na si Janice de Belen.

Hindi ang aktres ang maituturing niya na A Beautiful Affair (a new tele-serye ng aktor na nagsimula noong Lunes sa Primetime Bida ng Kapamilya Network) sa buhay kundi ang bagong misis niya na si Priscilla Meirelles.

Sabi ng ilang press people na nakarinig sa statement ni John, sampal ‘yun sa pagmumukha ni Janice, dahil ang pahayag ni John, masuwerte lang siya dahil magaganda ang bunga ng kanilang pagsasama. Magaganda ang kanilang mga anak. Other than that, walang dahilan para matawag na beautiful affair.

ADVERTISING

Akala namin, tapos na ang silent war between John and Janice. Akala namin, okey na ang dalawa at naka-move-on na sila pareho.

Pero with this statement, tila mabubuhay na naman ang kimkim na poot at hatred ni Janice sa dating mister.

Kung napapanood ninyo ang Showbiz Inside Report, alam mo na may kimkim pa ring sama ng loob ang aktres sa aktor. Janice do not want to talk about John kahit biruin man siya ng co-host na si Joey Marquez na bestfriend ni John.

 

WINNER SI Vin Abrenica sa nakaraang Artista Academy finals na ginanap last Saturday.

Malaki pala ang puntos ng text votes. Kung may datung ka at keri mong mag-send ng milyun-milyong text votes (if I am not mistaken it’s P2.50 per text votes) malaki ang chance mo na mag-win.

Sa babae, winner ang pamangkin ni Kris Aquino na si Sophie Albert. Ang tiyahin niyang si Ballsy Aquino-Cruz (panganay na kapatid ni Kris at P-Noy) nagpaunlak pa ng VTR interview giving encouragement sa pamangkin.

Siyempre, Aquino ‘yan kaya walang daplis na malakas ang hatak ni Sophie sa publiko. Kahit saan mo man tingnang anggulo, the mere fact na may statement si Madam Ballsy on Sophie, ‘yun na ‘yun!

Pero mas type namin si Chanel Morales para sa Best Actress Award after watching her sa drama VTR na idinirek ni Eric Quizon.

Sa lalaki, we love Akhiro Blanco sa kanyang role as a gun runner sa VTR portion na ipinakita last Saturday na dinirek ni Bb. Joyce Bernal.

Natalo man, all-out ang suporta ng kanyang mga fans kay Akihiro.

Sa paglabas ng gate ng Araneta, nagpahayag si Wilma Galvante, isa sa mga judges kasama sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen at Mac Alejandre) sa mga fans ni Akihiro na huwag nilang pabayaan ang idol nila na patunay lang na may nag-aabang na malaking project ang baguhang aktor sa TV5 sa nalalapit na panahon.

I just wonder, bakit walang ganu’ng encouragement si Wilma sa mga tagahanga ni Vin na siyang winner as Best Actor?

<i>‘Di raw kasi sila naging beautiful affair</i><br> Janice de Belen, parang sinampal ni John Estrada

STARLET CATEGORY pa rin ang utak nitong si Sabrina M. Siya ang dating sexy starlet na umariba noong panahon na sampu-sampera ang mga sexy at boldstar.

Sa shooting ng indie film na Jumbo Jerico (sa direksyon ng entertainment writer na si Sandy Es Mariano); wala raw ginawa itong starlet at dikit nang dikit kay Jao Mapa (isa sa mga bida ng indie film).

Obserbasyon ng mga nandudu’n, tipong trip ni Sabrina ang aktor.

Mabuti na lang, deadma si Jao sa “temtasyon” ni Sabrina. Inis na nga ang aktor sa starlet na gustong umeksena at bumalik sa industriya.

Just to inform Sabrina upfront, Jao is happily married with three kids.
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING