`Di pinag-guest sa Wowowee: Vhong Navarro, pinauwi ni Willie Revillame?! – Eddie Littlefield

`Di pinag-guest sa Wowowee: Vhong Navarro, pinauwi ni Willie Revillame?! - Eddie Littlefield

`Di pinag-guest sa Wowowee: Vhong Navarro, pinauwi ni Willie Revillame?! - Eddie LittlefieldTUWING MAY UMPUKAN ang movie press, hindi maiiwasang mapag-usapan si Willie Revillame. Palagi na lang may tsika tungkol sa kanya na pulos kanegahan. Alam kaya ni Willie na kinaiinisan na siya nang nakararami dahil sa magaspang niyang pag-uugali? Para siyang hot air balloon sa langit sa kayabangan, lumilipad sa kalawakan na mahirap i-control. Maging kapwa niya artista, buwisit sa masama niyang ugali.

Tulad ni Vhong Navarro, nakaranas daw ng hagupit ni Willie. Tinawagan daw ng talent coordinator ang actor/comedian at manager nitong si Direk Chito Roño para mag-guest sa Wowowee. Agad naman daw pumayag ang magaling na komedyante. Maaga umanong dumating sa studio si Vhong para malaman kung ano ang gagawin niya sa show. Excited pa nga raw itong nag-warm-up sa buong pag-aakalang siya na ang susunod na isasalang after the commercial break.

Nang makita raw ni Willie si Vhong sa backstage na bihis na at ready for action. Agad daw ipinatawag ng TV host ang talent coordinator at sabay sabing, “Pauwiin ninyo ‘yan, hindi siya mag-ge-guest sa show ko,” say raw ni Willie, ayon sa aming source.

Okay lang daw sina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Gabby Concepcion na mag-guest sa show niya, ‘wag lang daw si Vhong, sey pa raw ni Willie. Hiyang-hiyang lumapit ang staff kay Vhong at kinausap ito. Laking gulat daw ni Vhong kung bakit pinapauwi siya ni Willie. Wala siyang alam na dapat ikagalit o ikainis daw nito sa kanya. Mataas pa naman daw ang respeto niya kay Willie.

Walang nagawa si Vhong kung hindi lisanin ang lugar at tanggapin ang kabiguan ng araw na ‘yun. Pangit naman kung gaano ka-insecure itong si Willie kay Vhong, baka nga naman masapawan pa siya nito sa pagho-host, huh!

KUWENTO PA RIN about Willie Revillame. Kinausap daw ito para mapabilang sa station ID ng ABS-CBN nu’ng magpa-Pasko. Nag-inarte na raw agad ito, hindi raw niya kailangan ang exposure na maibibigay sa kanya ng nasabing video clip. Dadaanan lang daw siya ng kamera, hayaan na lang daw sa ibang artista, baka makatulong pa sa kanila. Nakakalokong sabi raw ni Willie.

Kung sina Gabby Lopez, Ms. Charo Santos, Malou Santos, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Angel Locsin, Bea Alonzo, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Jericho Rosales at iba pang artista sa Dos ay nakiisa bilang Kapamilya, bakit ang isang Willie Revillame ay hindi? Kaplastikan lang pala ang drama niya sa Wowowee at sa mga big event ng ABS-CBN kapag sinasabi niyang nasa puso niya ang pagiging Kapamilya!

Hindi kawalan si Willie kung hindi man siya napabilang sa napakagandang station ID ng ABS-CBN. Naging signature song ng bawat Pilipino ang theme song nito. Bukod dito, naging super hit ang awitin sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa.

Nuknukan talaga ng kayabangan si Willie. Sobra ang pagka-feeling, akala mo, forever na siyang nakaupo sa trono. Nasa kanya ngayon ang kasikatan, kaginahawahan sa buhay. Lahat nang ito’y panandalian lamang, sa isang iglap puwede itong bawiin nang hindi mo inaasahan. Mapagbiro ang tadhana, hindi mo alam kung kailan darating ang karma!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield