‘Di pa tapos kay Ruffa, may Shaina na?! JOHN LLOYD, BABAERO?!

Ibang klase palang matensiyon si Shaina Magdayao. Iyon ang napansin namin last time na she was being interviewed by Kris Aquino and Boy Abunda nang live sa The Buzz last Sunday. Habang tila ini-interrogate siya tungkol sa kung ano nga ba talaga ang dahilan ng break-up nila ni John Prats, para siyang kinukulam na unti-unting tinutubuan ng mga mapupulang pantal sa buong katawan.

Yes! Ang maputi at sobrang kinis na balat ni Shaina nang bago siya sumalang sa nabanggit na interview, natadtad ng pantal pagkatapos nito. Naka-backless pa namang damit ang young actress na nang dumaan na sa harap namin habang palabas ng studio, kitang-kita rin sa likod ng dalaga ang nagma-mapang malalaking pantal.

Para siyang kinulam na in-interview lang nina Kris at Boy, nagkapantal-pantal na. Gano’n talaga katindi ang tensiyon niya kapag si John Prats na ang pinag-uusapan, huh!

Ilang linggo ring nanahimik ang young actress at ayaw magsalita tungkol sa maintrigang hiwalayan nila ni John. Pero dahil kailangan niyang umapir nang live sa The Buzz to promote Rubi kung saan gumaganap siya bilang ‘Maribel’ na inaapi-api ng title role na si Angelica Panganiban, wala siyang choice kundi hayaan siyang matanong tungkol dito.

‘Yon nga lang, hindi rin nabigyang-linaw ni Shaina ang tungkol sa tunay na dahilan ng split-up nila ni John. Kahit nang tinangka namin siyang mapagsalita hinggil dito, talagang pinaninindigan ng dalaga na ayaw niyang magsalita ng anumang laban sa aktor.

Nakapangako raw kasi si Shaina sa mga magulang ni John nang magkausap sila na she will not say anything bad about John. Basta, pareho raw silang nagkulang kaya hindi nag-work out ang relasyon nila.

Kahit sinasabi ni Shaina na friends nga lang sila ni John Lloyd, hindi pa rin maapula ang hinalang something special is going on between them. Every now and then ay nakaririnig kami ng usap-usapang madalas pa rin silang nakikitang magkasama.

Isang very reliable source nga ang nagkuwento sa amin na recently lang, magkasama na naman daw ang dalawa sa birthday party ng isang non-showbiz girl na close sa pamilya ni John Lloyd.

Nagtataka raw ang mga naroon dahil hindi naman kaibigan o kakilala man lang daw ng may birthday itong si Shaina nang bigla diumano itong umapir na lang sa nasabing party na ginanap somewhere in Quezon City. Tila pinasunod lang daw ng aktor ang dalaga roon who arrived 30 minutes matapos dumating doon si John Lloyd.

Siyempre pa, dalawa lang daw silang artistang panauhin sa nasabing birthday party kaya all eyes ang mga taong naroon sa kanila. At kung titingnan daw ang ikinikilos ng dalawa, walang hindi maniniwalang nagkakamabutihan na umano sila.

Ito kaya ang dahilan kung bakit nasisira ang mood ni Ruffa Gutierrez at tinatalikiran ang mga nag-i-interview sa kanya kapag natatanong hinggil sa Shaina-John Lloyd rumored affair? May tsismis din kasing hindi naman daw totoong break na sina Ruffa at John Lloyd.

‘Yun na!

Napaka-babaero na ng image ni John Lloyd ngayon, huh!

PINUNTAHAN NAMIN ANG runway challenge para sa natitirang anim na survivor ng Starstruck 5 na kinabibilangan nina Rocco Nacino,  Enzo Pineda, Steven Silva, Nina Kodaka, Sarah Lahbati, at Diva Montealba, held at the Trinoma mall. Ang dami na pala talagang followers ng mga ito na nagtitilian kapag rumarampa na ang mga ito.

We were so surprised also na ang lakas din ng tilian nang lumabas na walang shirt ang Starstruck avenger na si Ian Batherson na isa sa mga guests for the said event. In fairness, maganda pala ang katawan nito. Pangtapat sa mga pinapantasyang hunks sa ngayon.

And with that, we believe na nag-end man ang Starstruck journey nitong si Ian, pero hindi ang pintuan ng showbiz for him. He’s got the looks, the body, at the talent. Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articlePa’nong kakandidato?: ARA MINA, NAGMUKHANG TANGA!
Next articleSipat-eklat: Jake Cuenca, ‘di raw malilimutan ang nangyari sa kanila ni Sam Pinto!

No posts to display