‘Di pa raw handang pumasok sa relasyon
Sarah Geronimo, ‘di type si Matteo Guidicelli?!

ADVERTISING

<i>‘Di pa raw handang pumasok sa relasyon</i><br>Sarah Geronimo, ‘di type si Matteo Guidicelli?!

<i>‘Di pa raw handang pumasok sa relasyon</i><br>Sarah Geronimo, ‘di type si Matteo Guidicelli?!NGAYONG KUMPIRMADO na si Jessy Mendiola ang gaganap sa remake ng Maria Mercedes, hindi namin masisisi ang aktres kung mas gamitin nga nito ang isip kaysa sa puso kung ang pagbabasehan ay ang mga magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

ADVERTISING

Ang desisyong mas mahalin ang kanyang sarili ang binigay na rason kung bakit nagdesisyon na makipaghiwalay sa boyfriend for two years na si JM de Guzman. Ang pagpokus naman sa career ang dahilan na binigay kung bakit hindi na lumalim at lumawig pa ang muntik-muntikan nang relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Sa presscon, inamin ni Jessy ang issue na totoong in-unfollowed niya si Matteo sa Instagram at sa Twitter dahil sa naging tampuhan nila, kung saan ayon kay Jessy ay nagkaroon sila ng miscommunication.

Nang tanungin kung ipa-follow niya ba muli si Matteo ay hanging ang naging sagot na tingnan na lang daw kung ito nga ang mangyayari sa kabila na nakapag-usap na pala sila ni Matteo.

ADVERTISING

Tinanong din ang balitang ang aktor daw ang nakipag-break sa kanya pero sa telepono lang daw, agad na klinaro ni Jessy na paano sila magbi-break gayong hindi naman talaga sila nauwi sa isang relasyon ni Matteo.

Nang pag-usapan kung masasabi ba niyang nanligaw talaga sa kanya ang dating kapareha, para kay Jessy ay nagparamdam naman talaga si Matteo sa kanya kung saan pinakilala pa nga siya nito sa pamilya ng aktor.

<i>‘Di pa raw handang pumasok sa relasyon</i><br>Sarah Geronimo, ‘di type si Matteo Guidicelli?!Hiningan din ng reaksyon sa balitang si Sarah Geronimo raw ba ang dahilan kung bakit nagkahiwalay silang dalawa ng aktor, ipinaliwanag naman ni Jessy na maaaring nabigyan lang ng kulay ang pagsasama ng dalawa sa tour ng mga ito sa ibang bansa.

Nakatanggap ng pangba-bash mula sa mga tagahanga ni Sarah, para kay Jessy ay wala namang magiging problema sa kanya kung saka-sakali ngang magkagustuhan ang dalawa lalo’t balita na matagal na palang crush talaga ni Matteo ang Pop Princess.

Sa ngayon, walang panahon sa pag-ibig at ang pokus ay ang kanyang showbiz career, lalo na sa taping ng Maria Mercedes, bilang breadwinner ng kanilang pamilya at kinakikitaan ng potensyal bilang isa sa top leading ladies ng Kapamilya Network at sa edad niyang 21, tama lang naman na ‘wag na munang unahin ni Jessy ang lovelife, at mas bigyang-prayoridad ang mga magagandang proyekto na pinagkakaloob sa kanya ng kanyang mother studio.

 

SA EVENT na Best Family Bonding Date With Sarah G. ng Jollibee, nakausap namin ang Pop Princess at hiningan namin ng reaksyon tungkol sa pagkaka-link niya kay Matteo Guidicelli. Papuri naman ang lumabas sa bibig ng singer/actress na endearing person ang aktor bukod pa sa napakabait.

Ikinuwento ni Sarah na nagkasama sila sa tour sa labas ng bansa at dito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-bonding at mas lalong makilala ang isa’t isa.

Sa tanong namin kung nanliligaw na ba sa kanya ang aktor, agad naman kaming sinagot ng Pop Princess na wala pa sa tamang panahon para magkaroon ng ligawan sila ng aktor. Hindi pa handang pumasok sa panibagong relasyon, pero nandu’n ang pag-asam ni Sarah na makikilala rin niya ang tamang tao para sa kanya dahil ayaw niyang tumandang mag-isa.

Hiningan din namin ng komento tungkol sa naging pahayag niya sa Showbiz Inside Report na nakararamdam din siya ng pagkainggit sa mga kapatid, dahil may kalayaan ang mga ito kumpara sa kanya na binabantayan talaga ng kanyang mga magulang. Idinipensa naman ng aktres na sa ngayon ay wala na ito dahil mas maluwag na ngayon ang kanyang mga magulang, kung saan naiintindihan ng mga ito na tumatanda na siya at kailangan niya ring gumawa ng mga sariling desisyon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING