‘Di natutulog sa 10-oras na biyahe sa eroplano: singer-actress aantok-antok sa show sa abroad!

PITIK-BULAG! SINO itong singer-actress na ‘pag nagsi-show abroad, kaloka, as in mabubuang ka talaga sa Earth?

Kasi ba naman, hindi ito natutulog sa airplane na kahit 10 hours ang kanilang biyahe. Walang ginawa kung hindi mag-retouch at mag-ayos ng kanyang mukha.

Napupuna nga raw ito ng mga kasama niya. Na halos tulog na lahat ang kanyang mga kasama, siya hindi pa, at kung anu-ano ang ginagawa sa kanyang mukha.

Resulta, pagdating ng show, inaantok ang hitad. O, siya, d’yan na kayo…

By Tita Swarding