‘Di napigilan ng mga fans
Cristine Reyes, tuloy sa soap ni Gerald Andersonx

ADVERTISING

<i>‘Di napigilan ng mga fans </i><br>Cristine Reyes, tuloy sa soap ni Gerald Andersonx

<i>‘Di napigilan ng mga fans </i><br>Cristine Reyes, tuloy sa soap ni Gerald AndersonxJOLO REVILLA is still evasive when questions thrown at him concerns his rumored lady love Jodi Sta. Maria.

No amount of prodding can make him talk.

When asked about Jodi during the birthday party of his father, senator Bong Revilla last Monday at the grand ballroom of Diamond Hotel, Jolo tried to parry off the questions by smiling or by refusing to comment.

“Gaya ng sinabi ko kanina ayaw kong sumagot,” was his curt reply when asked about the state of his relationship with the Kapamilya actress.

ADVERTISING

He also refused to talk about the much publicized Hong Kong trip where he and Jodi, along with their sons, were caught strolling together.

“May inamin ba ako sa inyo? Wala akong kino-confirm at wala rin akong dine-deny,” he said.

When asked to comment about Cong. Lani Mercado’s statement earlier during the party where she said that it’s okay for her if Jolo would settle down now, the young actor said, “Alam n’yo, pinagpapawisan ako sa inyo.”

“Wala ako sa posisyon para sagutin ‘yan,” he added. “Ayoko nang magsalita. Gaya ng sinabi ko kanina, I want my personal life private and I hope na you respect it.”

 

SO, NATULOY rin pala si Cristine Reyes sa soap opera ni Gerald Anderson. Hindi rin napigilan ng fans ang pagsasama ng dalawa.

Ang chika, makakasama ng dalawa sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano. Si Marya raw ang gaganap na nanay ni Gerald.

Ang nakagugulat, kasama rin si Rayver Cruz sa teleserye. Kaya raw pinull-out si Rayver sa Ina, Kapatid, Anak ay para isama siya sa Gerald-Cristine soap.

Well, siguro naman ay magbe-behave na si Cristine now that she will be working with her boyfriend.

May narinig kasi kaming chika na while she was doing a soap with Piolo Pascual ay naging pasaway si Cristine. Sumakit ang ulo ng production sa kanya.

Kasi naman, when Rayver arrives on the set ay talagang minamadali ni Cristine ang kanyang trabaho. Gusto niyang unahin lahat ng kanyang eksena, all because of Rayver. Feeling niya ay big star siya na kailangang unang kunan lahat ng sequence na kasama siya.

At ‘pag natapos na lahat ng eksena, ayun biglang karipas ang beauty ni Cristine. Sakay raw kaagad ito sa car ni Rayver at ang dalawang alalay, isang girl at isang bading, ay sa kotse na lang niya sumasakay.

<i>‘Di napigilan ng mga fans </i><br>Cristine Reyes, tuloy sa soap ni Gerald Andersonx

NATAWA KAMI sa tsismis na lilipat na rin daw sa Kapamilya Network si Nora Aunor.

Hindi siguro alam ng nag-tsismis na Nora has a contract to fulfill with TV5. Ang alam namin ay three-year contract ang pinirmahan ng Superstar sa Singko so it’s really impossible for her to entertain any thought of moving out.

Anyway, while walking with a friend, napag-usapan namin ang pagkakaiba nina Vilma Santos at Nora.

We told our friend na Nora has soul when she performs while Vilma’s got body.

We were quite stunned with a friend told us his observation about Nora and Vilma’s acting. Si Nora, hindi kailanman nasasapawan ng kahit na sinong artista samantalang si Vilma ay kayang-kayang la-munin ng kaeksena niya. He cited a scene in a movie where Hilda Koronel eclipsed her in one scene. He also mentioned a scene in Haplos where Rio Locsin gave Vilma a better acting.

What about Nora? Well, he said that not even Lolita Rodriguez was able to outshine her in their dramatic scenes in Ina Ka Ng Anak Mo.

Natatawa kami sa nagsabing hindi raw naiinggit si Vilma kay Nora. Of course, she will not show it. Coming from a Vilmanian na present sa mga okasyon ng Star for All Seasons, expected na namin ang pagtatanggol niya.

Our only difference with him is that kami hindi kami kilala ni Nora pero ipinagtatanggol namin siya. We don’t have any relationship with any celebrity because we are not beholden!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING