‘Di naman daw kasi sikat Niña Jose, ilusyon lang ang pagkaka-link kay Vic Sotto?!

ADVERTISING

‘Di naman daw kasi sikat  Niña Jose, ilusyon lang ang pagkaka-link kay Vic Sotto?!

‘Di naman daw kasi sikat  Niña Jose, ilusyon lang ang pagkaka-link kay Vic Sotto?!  MAHABA NAMAN ang pasensiya ni Niña Jose, at nararamdaman niya, na kaya siya pinupukol ngayon ng intriga at kung anu-anong pambabatikos tungkol sa kanyang personalidad magmula nang lumutang ang kanyang pangalan na diumano’y pagporma sa kanya ni Vic Sotto sa panahong ang sikat na komedyante ay biglang na-link din kay Pauleen Luna, naroon sa kanya ang pag-iisip na hindi siya kasing-sikat na artista nina Vic at Pauleen, kaya siya pinagtataasan ng kilay ng kung sinu-sino sa showbiz.

Nagsasalita na lang si Niña ngayon kung hanggang saan ang inaakala niyang tama lang na sabihin niya, dahil alam niyang pupuwede pang pagsimulan ng kung anu-anong intriga ang mga pupuwede pa niyang sabihin. Ang namumutawi na lang ngayon sa kanyang bibig ay ang sobrang pagrespeto niya kay Vic dahil sa napakabait naman ng daddy nina Danica at Oyo Sotto para kung saan nagsimula ang kanilang pagkilala ay mahaluan pa iyon ng mahabang intriga.

Wala namang kuwestiyon kung may nasabi si Niña tungkol sa pagkikilala nila ni Vic. Talaga lang matsika si Niña kaya tuloy napagbintangan siyang ilusyonada sa closeness nila ni Bossing. Pero kung ‘yung dating ng sex appeal ni Niña na puwedeng isali sa Binibining Pilipinas ang pag-uusapan, sobrang pasok siya sa taste ni Bossing.  Maganda, magalang at maamo siya na tipong pakakasalan talaga ng lalaki. Kasi nga, sa dami na rin ng mga babaeng kanyang nakarelasyon, ilan doon ang mga babaeng hindi mo iisiping popormahan at tutuluyang gawing karelasyon ni Sotto, at ang iba pa nga ay naanakan din niya.

 

ADVERTISING

BLIND ITEM: Puhunan talaga ng mga artista sa showbiz ang kanilang hitsura, kaya sa dami ng naggagandahang aktres sa showbiz, hindi mo na alam kung sinu-sino sa kanila ang nagtataglay ng tunay na ganda at kung sinu-sino rin naman ‘yung may ipinangangalandakang ganda, pero sa likod ng kanilang utak, bumubulong sila ng mga salitang: “Salamat po, Doctor!” dahil puro na sila mga retokada. Kasi nga, naglipana na sila sa lokal na aliwan.

Katulad na lang ng dating sexy star na itago natin sa pangalang Vangie Yuzon. Maganda na talaga siya dati. Kaya lang, pokpokina naman siya, na laging mayroong mayamang Papa, kaya nu’ng kinakailangan na niyang mayroong baguhin sa kanyang hitsura, kinarir niya talaga ang pagpapaganda. Inayos ang mukha, ang boobs, pinaumbok ang puwet at ginalaw ang pupuwede pang ayusin. Ngayon, napakaganda niya na mukhang santa na inukit sa kahoy.

‘Di naman daw kasi sikat  Niña Jose, ilusyon lang ang pagkaka-link kay Vic Sotto?!

Kamakailan, nahirapan ang leading man ni Vangie sa isang teleserye. Heavy drama ang eksena, kung saan kunwari’y namatay siya. Mahigpit siyang niyayakap at hinahaplos ng kanyang leading man na napakahusay na aktor. Todo-bigay ang acting ni leading man, pero nu’ng haplusin niya ang mukha ni Vangie ay parang nagpipigil siya, kaya ang dating ay nakulangan ang acting niya. Papaano kasi niya hahaplusin nang pabigla ang mukha ni Vangie, eh, kabado siya na baka may parte ng ganda ni aktres na mawala sa porma, gaya ng ilong. Aware kasi siya na retokada ang leading lady niya, dahil usap-usapan talaga iyon sa showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING