‘DI NA NAPIGILAN: James Yap, niresbakan ni Kris Aquino!

ADVERTISING

'DI NA NAPIGILAN: James Yap, niresbakan ni Kris Aquino!

'DI NA NAPIGILAN: James Yap, niresbakan ni Kris Aquino!
Kris Aquino

SA OPENING ng bagong bar ng magkasosyo na sina James Yap, Daniel Padilla at Vice Ganda nagsimula ang luma at panis na isyu between Kris Aquino and ex-husband na si James.

ADVERTISING
 
Emote ni James ay halos walong buwan na niynga hindi nakikita ang anak na si Bimby. Pakiramdam nga ng basketbolista ay hindi siya gusto ni Bimby na sa reaksyon ni Kris ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ni James.
 
Knowing Kris, ayaw niya magpatalo na isipin ng marami na siya ang may kasalanan sa hindi pagiging close ni Bimby sa ama (na may pahaging na may bulong ang “tiktik” na si Tetay ang may kagagawan).
 
Noong Sabado, sa kanyang Instagram account ay sinulat ni Kris ang kanyang sagot sa isyu ng dating asawa.
 
“I tried my best to be PROPER, to maintain dignified silence for the sake of PEACE- but when the other party is again playing the sympathy card, the mother in me just has to say ENOUGH IS ENOUGH…”
 
Sinulat pa ni Tetay: “Parenting isn’t a competition, it should be cooperation—even if we already long annulled as a couple.
 
Pagkakasulat ni Kris, sana daw ay hindi ginamit ng dating mister ang naturang isyu para sa publicity ang isyu ng mag-ama sa bagong bukas na negosyo ni James.
 
'DI NA NAPIGILAN: James Yap, niresbakan ni Kris Aquino!
James Yap and Michela Cazzola

Dagdag pa ni Kris: “James Yap- stop using Bimb for publicity, most especially when you are opening a BAR!

 
“That is the wrong venue to be discussing your relationship (or in this case lack of one) with your son.
 
“The proper thing to do would have been to answer, ‘THIS ISN’T THE CORRECT VENUE TO DISCUSS MY RELATIONSHIP WITH MY SON AND I WOULD APPRECIATE IF YOU COULD RESPECT OUR PRIVACY (in all caps huh!)'”
 
Pagpapatuloy ni Tetay:  “I have had so many presscons and launches over the years and in the past few months- but it seems there is so much more going on in my life that the subject of James Yap has rarely come up; and for the sake of Bimb’s well-being I made the conscious effort to put the past behind.”
 
May effort nga ba talaga si James para magpaka-Tatay sa kanilang anak?
Mayroong sagot si Kris sa isyu: “The simple truth is this and I am addressing this directly to the man who doesn’t want to give our 10 year old son PEACE.
 
Bukas, ang iba pang mga sagot ni Kris sa mga isyus na kinasasangkutan ng dating mister.
 
Iba si Kris pag napikon at punum-puno na. Ha ha ha…
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING