Sipat-eklat: ‘Di na keri ang kamalditahan ng aktres sa set, aktor nag-volunteer na tsugiin na sa serye!

Sipat-eklat: ‘Di na keri ang kamalditahan ng aktres sa set, aktor nag-volunteer na tsugiin na sa serye!SIPAT: HINDI pa raw HANDANG MAGMAHAL si SARAH GERONIMO.
EKLAT: Naku, BAKA MAGSARA na nang TULUYAN ang… PUSO niya!

SIPAT: NAKAHANDA naman daw MAGHINTAY si RAYVER CRUZ kung KAILAN PUWEDE nang MALIGAWAN ang POP PRINCESS.
EKLAT: Naku, BAKA maging… KAONG na ‘yan, hijo!

SIPAT: NAGKALAT na ang NUDE PHOTOS ni ROCKY SALUMBIDES sa INTERNET.
EKLAT: HINDI naman daw ‘ka-ROCKY-han’, sey ng mga NAKAKITA.

SIPAT: Sey rin ni EULA VALDEZ, MALAY n’ya raw kung TOTOONG kay ROCKY ang NAKABUYANGYANG na KARGADA nito.
EKLAT: Siguro, LAGING NAKAPIKIT si EULA!

SIPAT: 99 PERCENT daw, e, LALAKI ang NAGKAKAGUSTO kay ANGEL LOCSIN. ‘Yung 1 PERCENT, baka raw BAKLA, sey ni LUIS MANZANO.
EKLAT: Hmmm… SIGURADO kami na nasa 99 si LUCKY! Pramis!

SIPAT: NANLILIGAW pala uli si LUIS kay ANGEL LOCSIN.
EKLAT: S’WAK na S’WAK na talaga siya sa 99 PERCENT!

SIPAT: Nagpa-COLLAGEN daw si KRIS BERNAL kaya GUMANDA ang MUKHA nito.
EKLAT: ANO ang TOTOO: Nagpa-COLLAGEN siya, o GUMANDA siya?

SIPAT: TINANGGIHAN daw ni EFREN PEÑAFLORIDA ang OFFER ni KRIS AQUINO na i-ENDORSE si NOYNOY AQUINO.
EKLAT: AYAW ng CNN HERO of the YEAR na magpaka-SHOWBIZ!

SIPAT: Naks, APAT na ‘BEAUTIFUL GIRLS’ (Angel Locsin at Anne Curtis, at mga models na sina Georgina Wilson and Solenn Heusaff) ang naka-DATE ni CHRISTIAN BAUTISTA sa MUSIC VIDEO niya!
EKLAT: ‘Yaan na natin.. sa MUSIC VIDEO lang naman, e!

SIPAT: ‘WALA kaming RELASYON ni JAKE [Cuenca]!’ Sey ni MELISSA RICKS.
EKLAT: Kung MERON man… BIG DEAL?

SIPAT: Si PIOLO PASCUAL ang GAGANAP na NINOY AQUINO sa MAALAALA MO KAYA. HINDI raw MAKAPANIWALA si PIOLO na siya ang NAPILI.
EKLAT: HINDI rin MAKAPANIWALA ang FANS ni NINOY, e.

SIPAT: Nag-VOLUNTEER pala ang AKTOR na PATAYIN na lang ang KARAKTER niya. Kasi, HINDI niya na MATAGALAN ang KAMALDITAHAN ng AKTRES sa SET.
EKLAT: KAILANGAN pa ba ng CLUE?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service