‘Di na kasi nag-rate ang last teleserye
Marian Rivera, panghapon na lang ang soap?!

ADVERTISING

<b>‘Di na kasi nag-rate ang last teleserye</b><br> Marian Rivera, panghapon na lang ang soap?!

<b>‘Di na kasi nag-rate ang last teleserye</b><br> Marian Rivera, panghapon na lang ang soap?!SUPER KILIG ang mga fans sa binitiwang salita ni Enchong Dee tungkol sa balak niyang panliligaw kay Julia Montes pagdating nito ng 18.

“Hindi pa nga 18 (ay) nakahanda na ako, eh,” sabi ni Enchong sa media huddle for The Reunion, a youth-oriented movie featuring him, Julia, Xian Lim, Enrique Gil, Matt Evans, Bangs Garcia, Megan Young and Kean Cipriano.

Pagkasabing-pagkasabi nito ay naghiyawan ang ilang fans na nasa presscon. Ang lakas ng kanilang sigaw at nakabibingi. Obviously ay kilig na kilig sila.

Nagugulat ang Kapamilya sa tsismis na nag-away sila ni Julia at break na raw sila.

ADVERTISING

“Wala, okay kami,” he explained. “Ini-spice up lang nila kung ano ang meron kami,” he added.

With this ay mas feel ni Enchong na maging tahimik lamang ang panliligaw niya kay Julia.

“Siguro ‘yun din ‘yung dahilan kung bakit mas maganda ‘pag tahimik lang… hindi mo masyadong sinasabi o hindi nag-uusap sa show kasi hindi pa man (ay) pinaghihiwalay na kayo.”

Ano naman kaya ang kaya niyang gawin para mapasagot ang dalaga?

“Siyempre nakadepende ‘yon sa kanya kung ano pa iyong kailangan kong gawin. Siguro ‘wag kang maloko, ‘wag kang pasaway,” he said.

Hindi niya masabi kung ano ang totoong nararamdaman niya sa dalaga.

“Hindi mo mae-explain ‘yun, eh. Kumbaga kapag may nakita kang isang tao, hindi mo alam kung bakit gusto mo siya.”

At dahil in love, “minsan lalagyan mo lang ng meaning ang ginagawa at sinasabi niya. Minsan kahit walang meaning lalagyan mo ng meaning.”

 

HINDI NAMIN alam kung totoo ngang si Jennylyn Mercado na raw ang igu-groom ng Siyete para maging Primetime Queen.

Ang chika, hindi raw satisfied ang GMA sa rating ng soap ni Marian Rivera. Kahit kasi tinaguriang Primetime Queen si Marian ay hindi naman talaga nagre-rate ang last soap niya with Dingdong Dantes. Kumbaga, she doesn’t deserve the title.

If rumors were to be believed, sa afternoon slot muna raw ilalagay ang soap ni Marian, a demotion of sort any which way we look at it. That is, kung totoo nga ito, ha?

Naku, tiyak na magwawala na naman ang Marianita fans nito.

Anyway, matanggap kaya ito ni Marian?

Ang nakakaloka pang chika, tsutsugihin na rin daw ang sitcom ni Marian, ang Tweets for My Sweet. 

Pero mukhang hindi naman totoo ito dahil ang taas-taas ng rating nito. In fact, nangunguna ito sa ratings ng weekend shows ng Siyete. This makes the chismis baseless.

 

SA AUGUST 12 na ang birthday ni Marian and her special birthday episode will have Dingdong as guest. Nasa Hong Kong ngayon ang dalawa to celebrate their birthdays. August 2 si Dingdong, August 12 naman ang kaarawan ni Marian.

<b>‘Di na kasi nag-rate ang last teleserye</b><br> Marian Rivera, panghapon na lang ang soap?!

BLIND ITEM: Aware kaya ang isang beking TV host na parang bilang na ang araw niya sa isang network?

Hindi pala feel ng asawa ng isang network executive ang beki. Feeling kasi niya ay marami silang talent na dapat bigyan ng break kaysa sa kanya dahil in reality naman ay talent siya ng kabilang network.

Iisa na lang ang show ng TV host na hindi pa talk show kundi soap at baka hindi na ito masundan pa.

Ang tsika, nagpaparamdam na raw ang TV host sa isang network.

Eh, bakit kaya hindi siya bigyan ng show ng istasyon na kanyang pinanggalingan?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING