‘Di na kabataang singer-actress, nakabingwit ng mayaman at batam-batang dyowa

ADVERTISING

ISANG LATEST na tsika ang nakarating nu’ng isang araw lang. Aba, totoo nga ang tsika na sumisingaw, dahil nga ayon sa ating very reliable source, in love na in love ngayon ang isang female singer cum actress.

Aba, ang latest nga, binigyan na siya ng isang bahay at nag-one plus one na nga ang nagbalita sa amin na nagsasama na nga sila ng kanyang boyfriend.

ADVERTISING

Yes, balitang super yaman ang pamilya ng kanyang boyfriend. Kung kaya naman suwerte na itong si female singer actress.

Nasabing suwerte ang bida natin ngayon dahil nga bukod sa hindi na siya kabataan, nakabingwit pa siya ng batam-bata sa kanya. Hindi lang malaki ang agwat ng kanilang edad, kundi yummy pa si boyfriend.

O, knows n’yo na ba ang mga bida natin?

ADVERTISING

Ang clue, si Singer ay may titulo sa kanyang pagiging mang-aawit na kanyang-kanya lang.

Wala pang umaagaw ng kanyang korona. ‘Yun na…

By Fernan de Guzman

 

ADVERTISING