‘Di makasabay sa co-actors
Richard Gutierrez, hilaw na hilaw pa rin ang acting!

ADVERTISING

<b> ‘Di makasabay sa co-actors </b><br>Richard Gutierrez, hilaw na hilaw pa rin ang acting!

<b> ‘Di makasabay sa co-actors </b><br>Richard Gutierrez, hilaw na hilaw pa rin ang acting!

HANGGANG NGAYON pala-isipan pa rin kung totoo ngang si Angelica Panganiban ang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay. Hindi malinaw kung ano talaga ang mabigat na dahilan sa break-up ng dalawa. Sinasabing may third party raw na involved at si John Lloyd Cruz ang itinuturo. Nagkataon namang hiwalay na rin si Lloydie kay Shaina Magdayao kaya’t lalong naging matindi ang issue tungkol sa hiwalayan nila.

Never nagsalita si Angel sa split-up nila ni Derek. Tanging ang actor lamang ang nagpapa-interview tungkol sa kanilang dalawa. Nagising na raw kasi sa katotohanan ang actress na wala siyang aasahan sa pakikipag-relasyon niya sa hunk actor. Hindi puwedeng pakasalan ni Derek si Angel dahil may asawa ito kahit hiwalay na. Kahit natapos na ang controversial issue sa pagkakaroon ng asawa ni Derek, hindi na natin nabalitaan kung totoong nag-file nga ng annulment ang actor para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Umasa pa naman si Angelica na balang araw ay pakasalan siya si Derek, pero bigo ang dalaga. Sa sobrang pagmamahal na ibinigay ng actress sa kanyang live-in partner, pinaniwalaan nito ang mga kasinungalingan ng actor.

Sa pananahimik ni Angel, nasa puso’t isipan pa rin niya ang break-up nila ni Derek. May tsika, hindi naging maayos ang paghihiwalay nila. Sino nga ba sa kanila ang totoong nang-iwan at sino ang may kasalanan? Isang malaking question mark na dapat nating malaman. Hintayin na lang daw natin ang tamang panahon para maliwanagan ang katotohanan sa hiwalayan nila ni Derek. Huwag nga lamang dumating sa punto na mapuno si Angel at biglang sumabog ito para sa actor, parang wala lang, natapos lang nang ganu’n ang ilang taon nilang love relationship. Knowing Derek, hindi na mabilang ang mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay.

ADVERTISING

 

TINAWAGAN KAMI ng aming best friend na si Madam Cynthia Cole para ibidang sinusubaybayan niya ang teleseryeng Makapiling Kang Muli ng GMA-7 dahil kay Phillip Salvador. Patok sa Hong Kong ang nasabing soap.

“Wala pa rin kupas ang aking idol na si Phillip, grabe ang galing niya as an actor pati rin si Mark Gil. Pinakain niya ng alikabok ang mga artistang kasama niya sa show,” papuring sabi ni Madam sa kabilang linya ng cellphone.

Puri-puri ni Madam Cynthia ang eksena nina Phillip at Richard Gutierrez. “Matindi ‘yung eksena, sayang nga hindi gaanong nabigyan ng justice ni Richard ‘yung scene. Kulang ng emotion ‘yung bata, kailangan niyang magpaturo kay Phillip, ang guwapo pa naman, hindi gaanong marunong umarte,” say pa ng aming kausap.

Bago nagsimula ang soap nina Phillip at Richard ay nag-workshop ang mga ito bilang pagha-handa sa nasabing show. Kahit daw sa set, tinuturuan ng actor ang binata ng tamang acting before the take. Palaging nakaalalay si Philip sa bawat eksena ni Richard kahit wala siya sa eksena. Kailangan lang sigurong seryosohin ng young actor ang pagiging isang magaling na artista. Ilagay sa puso’t isipan niya ang pagiging actor and eventually lalabas na kusa ang naitatago niyang galing sa pag-arte.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING