‘Di magagawang sirain ang masayang pamilya
Ryan Agoncillo, marunong umiwas sa tukso

ADVERTISING

<b>‘Di magagawang sirain ang masayang pamilya</b><br>  Ryan Agoncillo, marunong umiwas sa tukso

<b>‘Di magagawang sirain ang masayang pamilya</b><br>  Ryan Agoncillo, marunong umiwas sa tuksoHINDI NAMAN imposible kung mangyari na si Ryan Agoncillo ay ma-link din sa ibang babae kung talagang ang tukso ay hindi maiiwasan. Kasi nga, bago naman niya nakilala at naging asawa si Judy Ann Santos, marami siyang kakilala at mga kaibigang babae na talagang magaganda, na sa pasukdol na salita ay hindi naman siguro nakikipagkaibigan lang ang mga nasabing babae. Ano ba naman ‘yon? Malakas kaya ang sex appeal ng magaling na TV host, dahil guwapo siya.

Kaso lang, alam ni Ryan ang kanyang limitasyon bilang lalakI at bilang asawa ni Judy Ann. Nakabuo na siya ngayon ng isang napakasayang pamil-ya, sila ni Juday at ang kanilang mga anak na sina Yohan at Baby Lucho. Cool na cool din ang dating ni Ryan para sa mga magulang at kapatid ni Juday, at ang sariling pamilya at mga kaanak ni Ryan ay masaya rin para sa kanilang pagiging mag-asawa. Kaya kung may tukso mang lumalapit ay ang mga kasayahang iyon ng pamilya ang kanyang maiisip para siya mahimasmasan at mapalayo sa sino mang babaeng manunukso sa kanya.

Mayroon ding pagpapahalaga si Ryan sa mga fans ni Judy Ann. Nu’ng nagliligawan pa lang kasi sila ni Juday ay inilapit din ng TV host ang kanyang loob sa mga tagahanga ng Young Superstar, at nangako si Ryan na hindi siya gagawa ng anumang bagay na makasasama sa kanilang relasyon para maging dahilan iyon na si Juday ay masaktan. Tumutupad si Ryan sa pangakong iyon, dahil nakita niya kung gaano ka-mahal ng kanyang mga fans ang bunsong anak ni Mommy Carol Santos.

 

ADVERTISING

KUNG TALAGANG sa mga panahong ito ay maligaya na si Ange-lica Panganiban sa piling ni John Lloyd Cruz bilang bago niyang karelasyon pagkatapos ni Derek Ramsay, ipakita na lang niya na talagang masaya siya. Baka kasi kung ayaw niya na pinagkukum-para ang mga karanasan niya sa mga dati at bagong karelasyon, ay siya naman itong maikumpara ang ugali sa noon na si Derek ang karelasyon niya, kumpara sa ngayon na sila na ni Lloydie.

Baka kasi kapusin si Ange-lica ng maipagmamalaki kapag hindi rin sila nagtagal ni John Lloyd. Baka masaya lang siya ngayon, dahil nagsisimula ang relasyon nila. Tandaan lang niya, na ang relasyon ay masaya, masarap at maligaya kapag nasa simula hanggang gitna. Pero kapag ang ending ay hiwalayan na, kalungkutan at iyakan ang mga kaganapan d’yan, katulad ng nangyari sa kanila ni Derek pagkatapos ng halos anim na taon nilang pagmamahalan.

May da-ting kasi si Angelica ngayon ng kaa-ngasan at pagiging maramot kapag tinatanong siya tungkol sa relasyon nila ni John Lloyd. Natural na masarap silang uriratin ngayon, dahil lantaran nang nakikita kung gaano sila kalapit ni Lloydie sa isa’t isa. May nagtanong kay Angelica kung anu-ano ang mga nagustuhan niya kay JLC. Hindi niya iyon sinagot nang diretso, bagkus ang buwelta niya ay personal na raw iyon. Alin ang personal? Iyon nga ang masarap na itanong sa kanila ngayon ni Lloydie, dahil sa mga katangiang nagustuhan nila sa isa’t isa nagsimula kung bakit okey sila ngayon. Masyado bang personal kung itanong iyon?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING