‘Di ma-reach ng fans sa probinsiya
Daniel Padilla, milyones ang TF sa out-of-town shows?

Daniel-PadillaHOW TRUE ang nasulat na milyones na ang talent fee ni Daniel Padilla sa mga fiesta or out of town shows?

“Sa five songs lang ni Daniel, one million na ang talent fee niya. Kapag full band, twelve songs, 1.7 million ang TF niya. Parang isang bonggang-bonggang show na ‘yun na meron kang fifteen entertainers sa presyong ibinibigay ng mga managers ni Daniel!” a promoter reportedly said in an article posted on Philippine News.

“Pero huwag naman sanang ganu’n kataas ang talent fee niya, kayamanan na ‘yun ng probinsiyang kakantahan lang naman niya. Sana, ibaba naman nila ang TF ng bata para makarating din siya sa iba-ibang probinsiyang may mga fans siya,” dagdag pa ng promoter.

Well, ganyan talaga. Sikat na sikat si Daniel kaya mahal siya. As an alternative, siguro kunin n’yo na lang si Alden Richards na sikat na sikat ngayon. Baka mas mura siya nang kaunti.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMarian Rivera, showbiz writer ang bagong biktima ng pagiging isnabera
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 107 September 02 – 03, 2015

No posts to display