‘Di itinanggi ang date nila ni Sen. Chiz Escudero Heart Evangelista, open na sa manliligaw!

OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly dahil heto na ang chikka.

Nakawiwindang! ‘ETCHOS LANG’ sabi ng kaibigan kong si Justo Justo na sumakabilang-buhay na nu’ng Friday, na wala man lang masyadong nakaalaala sa kanya. Parang wala nang nakakikilala sa kanya.

Natatandaan ko nu’ng kasikatan nina Nora Aunor, Vilma Santos, Imelda Papin, Sharon Cuneta, at Maricel Soriano halos kasing sikat ito ngayon ni Boy Abunda. Siya rin ang kauna-unahang tumulong sa unang biktima ng aids na alaga niya, at siya lang ang tanging may foundation tungkol sa mga golden gays na hanggang ngayon ay nalulungkot ang mga beking bading sa pagyao ni JJ.

Anyway, talagang ganyan, ‘pag hindi ka na uso, hindi ka na maalaala, kaya dapat habang kilala ka pa, mag-baboo ka na. Joke!
ANYWAY, SPEAKING of ang madaling makalimot, naloka naman ako sa tsismak na kahihiwalay lang ni Heart Evangelista sa kanyang BF na si Daniel Matsunaga, biglang nakikipag-date na raw. Kaloka! As in nakabubuwang sa Earth!

Kasi, ang ka-date daw kuno ni Heart ay ang dating inuugnay ni Vice Ganda kay Kris Aquino na si Sen. Chiz Escudero. Hanep talaga kung totoo ito, matulis din talaga si Chiz. Kasi kung si Kris noon, si Heart naman ngayon.

At sa mga hindi nakaaalam, magka-birthday ‘yang sina Kris at Heart, parehas Feb. 14, Araw ng mga Puso. Take note, maraming pagkakahawig sina Kris at Heart. First, papalit-palit ng papa; pangalawa, sila ang unang laging nagba-baboo sa kanilang karelasyon; pangatlo, pareho silang Inglesera; at pang-apat, magka-birthday nga.
Actually, sabi ni Heart, wala naman daw talagang mala-king problema kung bakit sila nagkahiwalay ni Daniel. Mayroon lang maliit na hindi nila napagkasunduan na lumaki nang lumaki, marami na ang nakisawsaw at feeling nga niya, hindi talaga sila bagay. Ayun, goodbye Daniel na si Heart. 27 na raw siya, kaya ipaubaya na sa kanya ng kanyang magulang kung sino man ang magugustuhang lalaki ni Heart, kaya open siya ngayon sa mga nanliligaw sa kanya at isa na nga rito si Chiz, na inamin niya na minsang nag-dinner date sila, at hindi raw niya ipinagkakaila ‘yun. Kasi ayaw niyang magmukmuk sa isang tabi dahil lang sa hiwalayan blues nila ni Daniel.

Hindi rin daw totoo na nagka-debelopan sila ni Sid Lucero na katambal niya sa Legacy, kahit inamin niyang nagde-date din sila minsan. Kaloka naman si Chiz, parang tagasalo na lang ng tira-tira. Ano ba ‘yan? Totoo ba ‘yan?

AT ANOTHER chismax pa ang hindi ko na isingit naman nu’ng nakaraan, ang hiwalayan pala ng dalawa, na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, dahil marami ang nagchi-chikka na may isang dahilan daw talaga kung bakit sila naghiwalay.

Tungkol ito sa lalaki na meron nga raw siyang mabigat na kinakasama ngayon. Talaga namang blind item ba itey? Hulaan n’yo na lang kung sino. Hindi naman din kasi magre-react nang bongga si Angelica, kung ganu’n na nga ang nangyari. Dahil before naman mangyari pa sa kanila ‘yan, kahit ano pang eksena na ang dumating sa kanila ay hindi talaga sila naghihiwalay at hindi sila nagpapaapekto sa mga chismiz, ‘di ba?

Maloloka ka talaga sa earth, ‘noh, kung kayo ang nasa sitwasyon ni Angelica… hahaha!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleTeejay Marquez at Arkin Del Rosario, gagawa ng international film!
Next articleEnchong Dee, mahihirapang mahalin si Maja Salvador

No posts to display