Devon Seron, walang problema sa Star Magic nang lumipat sa GMA

ADVERTISING

Devon Seron, walang problema sa Star Magic nang lumipat sa GMA

Devon Seron, walang problema sa Star Magic nang lumipat sa GMA
Devon Seron

ALMOST eight months na pala nakalipat ng GMA Kapuso Network si Devon Seron mula sa pamamahala at pag-aalaga ng Star Magic

Sa grand presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino official entry na Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment, nag-iisang babae sa main cast ang dalaga kung saan makakasama niya ang tinatawag na mga “bakwit boys” na sina Lance Larena, Mackie Empuerto, Ryle Santiago at Nikko Natividad.

 Walang isyu ang paglipat ni Devon ng mother studio. “Nagpaalam naman po ako sa kanila (Star Magic). I want to try GMA,” kuwento niya.

Sa last presscon ng Bakwit Boys, hindi nakarating ang dalaga na madaming press people ang naghintay sa kanya lalo na si Manay Lolit na ikina-alarma sa dalaga dahil ayaw niya magkaroon ng imahe na hindi sumisipot sa kanyang commitment.

ADVERTISING
Devon Seron, walang problema sa Star Magic nang lumipat sa GMA
Bakwit Boys cast

Paliwanag niya: ”Nagkaroon po ng miscommunication with my handler,” sabi niya. Hindi pala alam ni Devon na may dadaluhan siyang presscon for their movie kaya sumabit siya.

Sa paglipat niya sa Kapuso Network, niluluto ang isang bagong teleserye para sa kanya na ayaw pa niya ibigay ang detalye.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING