Devon Seron, naniniwalang darating din ang suwerte niya sa showbiz

ADVERTISING

Devon Seron, naniniwalang darating din ang suwerte niya sa showbiz

Devon Seron
Devon Seron

Medyo may pagkamahiyain ang Cebuana bagets na bagong Regal Baby nina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde na si Devon Seron na recently ay pumirma ng movie contract sa kuwadra ng Regal Films na kasabayan ng co-Star Magic talent niyang si Yen Santos.

Kung si Yen ay leading lady agad ni Piolo Pascual sa “Once In A Lifetime” directed by Dondon Santos na sa New Zealand pa nag-shooting, ang first project naman ni Devon ay isang horror movie na “Pwera Usog”.

Galing sa Pinoy Big Brother Teens si Devon, kung saan she won 4th placer noon 2010 sa Big Winner na si James Reid.

At first, sila ni James ang magka-love team nang natapos ang PBB hanggang sa nag-lie low si James at lumipat sa kampo ng Viva na sa kasalukuyan ay ka-partner ngayon ni Nadine Lustre.

ADVERTISING

Aminado si Devon na hindi madali ang pinasok niyang mundo ng showbiz. After niyang mag-PBB, kung saan-saang show siya isinalang ng Star Magic na tipong nangangapa pa kung saan talaga siya nababagay at kung kanino talaga siya puwedeng ipareha.

After being paired with James, naipareha na rin pala siya kay Sam Concepcion na kung susuriin, iisipin mong lumulutang ang karir ni Devon na tila walang patutunguhan sa dinami-rami ng projects na parang dumaan lang na karamihan ay hindi naman talaga remarkable.

Hindi ko alam na kasama pala siya sa pelikulang “The Reunion” ng Star Cinema na mostly boys ang naging bida with the likes of Enchong Dee, Kean Cipriano, at Xian Lim.

With her first Regal project (na hindi pa buo ang casting) na intended for the Metro Manila Film Festival 2016 kapag nasuwertehan, hopefully ay dumating na rin ang hinihintay ni Devon na “suwerte” na naniniwala na hindi kailangang madaliin ang mga bagay (tulad ng launching project niya) na ang lahat ay darating din sa tamang panahon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING