Devon Seron may simpleng pahayag sa Kiko Estrada – Heaven Peralejo romance

NAGPARAMDAM na rin sa wakas ang aktres na si Devon Seron pagkatapos ng pananahimik nito sa kinahinatnan ng kanyang failed relationship.

Ilang araw na rin ang nagdaan nang kumpirmahin nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost ng sweet photos sa kani-kanilang social media pages. May palitan pa sila ng I love you’s.

Devon Seron may simpleng pahayag sa Kiko Estrada - Heaven Peralejo romance
Devon Seron

Si Kiko Estrada ang ex-boyfriend ni Devon. Early this year ay very much in love pa ang dalawa. Nag-iba ang hangin bandang Marso habang nasa lock-in taping ng teleseryeng Bagong Umaga ang nobyo kasama ang noo’y onscreen partner pa lang na si Heaven Peralejo. Naging totohanan ang pagtinginan ng dalawa kahit na diumano’y sina Devon at Kiko pa.

Ngayon na ‘instagram official’ na ang relasyong Kiko at Heaven, natural lang na curious ang mga tao kung ano ang masasabi ni Devon sa rebelasyong ito.

“I’m doing great, sweetie.” simple pero malaman na caption ni Devon sa kanyang Instagram update kahapon.

Maraming fans ang nagpost ng kanilang appreciation sa aktres at sinasabi pa nila na bilib sila sa pagiging classy nito. Ang sabi pa ng ilan ay mas deserve ni Devon ang better boyfriend.

Devon Seron may simpleng pahayag sa Kiko Estrada - Heaven Peralejo romance
Heaven Peralejo | Kiko Estrada and Devon Seron

Pagkatapos magsama sa ilang TV and movie projects, nagkadebelopan at naging magkasintahan sina Kiko at Devon noong January 2019. Ilan sa mga na-link kay Kiko in the past ay ang Kapuso stars na sina Kim Rodriguez at Barbie Forteza.

To Kiko and Heaven, just be happy sa bagong yugto ng inyong love life. To Devon, love yourself muna!