Devon, di nahirapang mag-adjust sa 2 K-Drama actors na kapareha sa ‘You With Me’

ADVERTISING

Devon, di nahirapang mag-adjust sa 2 K-Drama actors na kapareha sa ‘You With Me’

Devon, di nahirapang mag-adjust sa 2 K-Drama actors na kapareha sa ‘You With Me’
Devon Seron

Si Devon Seron ang leading lady ng dalawang K-Drama actors na Jin Ju Hyung at Hyun Woo sa pelikulang You With Me. Ayon kay Devon, hindi siya nahirapang katrabaho ang dalawang Korean actors.

ADVERTISING

   

“First time ko po silang na-meet don sa meet and greet at photo shoot po namin dito nung dito po kami nagsyuting. Mababait po sila,” kuwento niya.

 

ADVERTISING

Patuloy ng Star Magic artist, “Akala ko nga po snobbish sila, eh. Pero nu’ng na-meet ko po sila, akala ko mahihirapan ako lalo na sa language kasi hindi nga po sila ano sa English, pero nu’ng nag-photo shoot kami, parang wala na ’yon.

 

“Parang nabigla ako na naging close kami agad. Open sila, very gentleman. Ayaw nilang nahihirapan ’yung mga kasama nila sa work lalo na po ’yung leading lady nila. Inaalalayan po talaga nila ako,” pagde-describe pa ni Devon sa dalawang kapareha.

 

Eighty percent ng mga scenes ng pelikulang You With Me ay kinunan sa Korea. Ano ang mga natutunan habang nakikipagtrabaho sa Korean productions.

 

“Iba po sila magsyut do’n. Example, ’pag ang call time namin is 8 a.m. dapat before 8 nandon na kami sa set lahat. Tapos lahat ng naka-line-up, talagang nagagawa namin.

 

 “Ang maganda pa po do’n,  kasi nakaalalay silang lahat kahit mapa-big star ka o hindi po, wala kang mararamdamang ganu’n sa kanila. Very maalalahanin sila, maalaga. Inaalalayan nila ako pag nahihirapan ako sa mga scenes kaya madali po akong nakapag-adjust doon,” pahayag ni Devon.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING