Desiree del Valle, emotional sa pagtatapos ng serye sa Dos

Desiree del Valle, emotional sa pagtatapos ng serye sa Dos

Desiree-del-ValleNALULUNGKOT SI Wenn V. Deramas sa pagtatapos ng kanyang teleseryeng Flordeliza nina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, at Desiree del Valle. Naging pamilya na ang turingan nila sa set kaya mami-miss ni Direk ang buong cast. Ganu’n naman palagi, may matatapos at may magbubukas na bagong show. Ang maganda kay Direk Wenn, kinukuha niya uli ang isang artista kapag magaling ito at hindi pasaway sa set.

Sa mga artista ni Direk Wenn sa Flordeliza, si Desiree ang napaka-emotional. Ngayon pa lang, nalulungkot na siya at hindi mapigilan ang pag-iyak dahil mami-miss raw nito ang buong cast. Sa isang episode, actual naming pinanood ang dramatic scene ni Desiree. Ang galing niya, habang nagda-dialogue, unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata at bago matapos ang dialogue, saka babaksak ang luha, biglang sasabihin ni Direk Wenn na cut. “Ang husay niya…”

Sabi nga ni Direk Wenn, “Krimen ang hindi magaling! Ang sakit sa dibdib… tumutulo ang luha ko habang pini-preview ang episode ng Flordeliza. Kahit two weeks na lang, ang dami pang mangyayari. Ngayon ko lang nakita ang staff at mga artista ko na reading pa lamang, sabay-sabay na kaming umiiyak. Napakahusay ng lahat, lalo na sina Techie Agbayani, Jolina, at Liwanag Carlo Jose!”

After ng soap ni Direk Wenn, pahinga muna siya sa paggawa ng serye. Focus muna ang box-office director sa movie nila nina Vice Ganda at Coco Martin na pang-Metro Manila Film Festival under Star Cinema. Tatapusin na rin niya ang pelikula ni Pokwang at Benjie Paras ng Viva Films. If ever kakayanin ng kanyang schedule, nakatakda rin niyang gawin ang Claudine Barretto movie.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield