Derrick Monasterio, wala raw aaminin sa kanila ni Maine Mendoza

Derrick Monasterio, wala raw aaminin sa kanila ni Maine Mendoza

Derrick Monasterio, wala raw aaminin sa kanila ni Maine MendozaNang dahil sa pagkaka-link ni Derrick Monasterio kay Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, naintriga tuloy ang binata. Nagalit sa kanya ang AlDub fans, binanatan siya sa social media. Naging kontrabida ang dating niya sa loveteam nina Maine at Alden Richards. Kahit ganu’n ang nangyari, malaki ang naitulong ng issue sa career ni Derrick Monasterio para mapag-usapan. Tumatak na ngayon sa publiko ang pangalan niya lalo na sa mga fans ng AlDub.

Todo-tanggi si Derrick na may ugnayan sila ni Maine Mendoza, dahil wala naman talaga. Nilinaw niya ang issue tungkol sa kanila ni Maine. Minsan lang silang nagkita, nagbatian, ganu’n lang daw ang nangyari. Pinagdiinan ng young actor na wala raw namamagitan sa kanila ni Yaya Dub, magkaibigan lang silang dalawa. Ayaw nitong makigulo sa magandang relasyon nina Maine at Alden. Napagbibintangan tuloy ang binata na manggagamit, nakiki-ride-on sa kasikatan ni Yaya Dub.

Hindi sanay sa intriga si Derrick, okay lang daw kung totoong may something sa kanila ni Maine, aaminin daw niya, pero wala raw talaga. Right now, gusto niyang mag-concentrate sa bago niyang drama series na “Hanggang Makita Kang Muli” with Bea Binene sa Kapuso Network.

Mas excited pa nga si Derrick na pag-usapan si Bea na leading lady niya sa bago nilang soap. Relax na sila sa isa’t isa kaya magaan nilang nagagawa ang bawat eksena. Ngayong single na uli ang dalaga after ng break-up nila ni Jake Vargas. Inamin ni Derrick na may chance na ma-develop  ang friendship nila. Hindi pa raw sa ngayon, focus muna raw silang dalawa sa trabaho.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield