Derrick Monasterio, tinanggahin ang alok ng mayamang bading na condo unit sa BGC

ADVERTISING

Derrick Monasterio, tinanggahin ang alok ng mayamang bading na condo unit sa BGC

Derrick Monasterio
Derrick Monasterio

Magandang regalo ang natangap ng GMA Hunk na si Derrick Monasterio sa kanyang ika-21 birthday (last Monday, August 1).

ADVERTISING

Yes, sa wakas, nagkaroon din ng contract signing ang binata with Regal Films’ bosses Mother Lily Monteverde and Ms. Roselle Monteverde last Tuesday lunch time. Actually, matagal nang may deal between Derrick Monasterio and Regal na dahil sa kabisihan ng youngstar at sa susunod-sunod na work load nina Mother Lily at Ms. Roselle, itinaaon nila na gawin ang formal contract signing the day after Derrick’s birthday.

It’s a film contract na as of this writing ay official confirmation na lang ng magiging leading lady niya ang hinihintay para masimulan na ang project ni Derrick.

Medyo sexy si Derrick sa kanyang first lead role. “I told Roselle na gusto kong bigyan ng solo movie si Derrick,” kuwento ni Mother Lily sa amin.

ADVERTISING

Dagdag pa na reaksyon ni Mother Lily on Derrick: “I’m so crazy about him! Hahaha!”

Last Monday, August 1 ang birthday ni Derrick pero walang kasiyahang naganap, “Nasa bahay lang ako. Pero nu’ng inutusan ako ng mom at may ipinakukuha siya sa likod ng bahay, ‘di ko alam nandu’n pala ang sorpesa sa akin. Mga friends ko nandudu’n. ‘Yun ang sorpesa,” kuwento ng binata na for his birthday wish, “I want world peace and food para sa lahat. I wish na wala na sanang away or giyera sa buong mundo and food para sa lahat and also education for the kids.”

Noong araw na ‘yun, naka-schedule si Derrick na gumawa ng charity work for his birthday.

Sa first movie project niya sa Regal, no qualms for Derrick na magpa-seksi. “Okey lang. I showed some flesh in Cosmo Bash before, kaya no problem,” nangingiting kuwento niya.

Suggestion nga ng mga writers na nandudu’n sa contract signing niya na i-remake ang “Scoprio Nights” na isa sa mga super sexy film ng Regal in the 80’s na introduction film ni Daniel Fernando.

If given a chance, he likes Jessy Mendiola to be his leading lady kung sakali. “I also like Arci Muñoz. Sexy siya,” sabi ng birthday boy.

Dagdag ni Derrick, “Gusto ko kasi sa girl ‘yong medyo may laman.”

Dahil sa pagiging hunk ni Derrick a ipinu-flaunt niya ang kanyang abs sa sexy pictorial, hindi lang girls ang nababaliw sa kanya. Pati bekis.

Nagulat si Derrick Monasterio at may indecent proposal sa kanya recently ang isang mayamang beki na nag-init sigurado sa binata nang makita ang photos niya.

May namagitan sa baklang mayaman at sa kanya? “Pero ‘di ako nag reply,” sabi niya kahit sa one night stand offer sa kanya ay isang high-end condo unit lang naman sa BGC. Keri mo, ‘teh?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING