Derrick Monasterio, ‘speechless’ sa selfie kasama si Jennifer Lopez

Derrick Monasterio, ‘speechless’ sa selfie kasama si Jennifer Lopez

Derrick-Monasterio-Jennifer-LopezBONGGA AT nasulit ang pagbabakasyon ni Derrick Monasterio sa America dahil nagawa pa niyang makipag-selfie sa sikat na international singer na si Jennifer Lopez.

Dahil nasa Tate na rin si Derrick kaya hindi niya pinalampas na manood ng American Idol, kung saan isa sa mga hurado nga si J-Lo. Ikinagulat daw ng Kapuso young actor na papayag makipag-selfie sa kanya si J-Lo nang lumabas ito para batiin ang mga fans na nanood ng show. Sa post at caption nga ni Derrick sa kanyang Instagram account sa selfie niya with Jlo, “speechless” ang binata.

Ini-enjoy ng young actor ang bakasyon sa Tate dahil regalo nga sa kanya ito ng kanyang magulang dahil sa pagtatapos niya ng high school sa Angelicum College in Kyusi last March 26. Tamang-tama naman na pinatay na ang character niya sa serye ng Kapuso kaya walang magiging problema kay Derrick kung magtagal pa ang bakasyon niya sa America.

‘Di nga ba may balita na baka raw sa America na ipagpatuloy ni Derrick ang kanyang pag-aaral sa college dahil gusto ng kanyang ama na makatapos ito kaagad. At ang kurso ay Aeronautics para maging isang ganap na piloto.

Pero dahil sa huling post ni Derrick na namimili siya ng mga pasalubong sa mga kaibigan, particular sa nababalitang girlfriend niya na si Yssa Pressman ay may balak itong bumalik ng Pinas.

Nawala man kasi ang isang serye niya ay kasama pa rin naman siya sa show ng Vampire Ang Daddy Ko at Sunday All Stars.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo