Derrick Monasterio, ready nang magbilad ng katawan sa pelikula

ADVERTISING

Derrick Monasterio, ready nang magbilad ng katawan sa pelikula

Derrick Monasterio
Derrick Monasterio

Handa na ring sumabak sa pagpapaseksi o sa daring roles ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio na kapipirma lang ng kontrata sa Regal Film at isa nang certified Regal Baby.

Ayon kay Derrick Monasterio na kabi-birthday lang nu’ng August 1, magandang birthday gift ang pagpirma niya ng kontrata sa Regal.

“Okay lang po ‘yon (magpa-sexy). Nasa tamang age na naman ako,” sabi niya sa press.

Hindi rin daw uso sa kanya ang limitasyon.

ADVERTISING

“Siguro, hindi lang kita lahat!” natatawa niyang reaksyon. “Hindi lang completely bold. Actually wala naman akong limitation, basta tama lang,” sabi pa ng actor.

Natawa naman kami nang sabihin niya na “world peace” at sana raw ay wala nang mga taong magutom ang kanyang birthday wish.

“Seryoso po. ‘Yon talaga ang birthday wish ko,” pahayag ng hunk actor.

Hindi pa alam kung anong pelikula ang gagawin ni Derrick sa Regal. Tuwang-tuwa naman ang mag-inang Roselle at Mother Lily Monteverde na meron silang bagong Regal Baby.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING