Derrick Monasterio, inisnab ng co-tweenstars ang kanyang fans day!

ADVERTISING

Derrick Monasterio, inisnab ng co-tweenstars ang kanyang fans day!

Derrick Monasterio, inisnab ng co-tweenstars ang kanyang fans day!INISNAB NG mga tweenstar na kasamahan ni Derrick Monasterio sa Tween Hearts ang “fans day” nito na ginanap sa Kamagong Covered Court, Brgy. Duyan-Duyan, Proj. 3, Q.C. last Tuesday, June 12. Tanging sina Kylie Padilla at Lexie Fernandez lang ang nakarating sa mga ito. Nakangiti lang naman si Derrick nu’ng itanong namin sa kanya kung bakit wala ang mga kasamahan niya upang suportahan siya.

Dumagsa naman ang mga fans, kaibigan at mga kapitbahay ni Derrick. Punong-abala ang dating aktres na si Ms. Tina Monasterio na ina ng young singer-actor kasama ang masipag na manager na si Manny Vallester at ang mapagkakatiwalaang P.A. na si Randy Santos sa pag-iestima sa mga dumating na fans ng young singer-actor.

Maaga pa lang, puno na ang venue mula sa fans na nanggaling pa sa malalayong lugar gaya ng Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Pasig at Novaliches. Naglalakihang mga tarpaulin ni Derrick ang nakapaskil sa paligid ng covered court. Mayroon ding “forms” na ibinibigay sa bawat fans na magiging patunay na miyembro siya ng fan club ng young actor. May mga pagkain para sa fans at may cakes pa kung saan personal na ginawa para kay Derrick.

Nagulat kami nang malamang ang mga loyalistang tagahanga pala ni Derrick ang mismong nag-organize ng fans day at sila mismo ang namahala sa mga inihanda para rito. Sobrang touched nga si Derrick nu’ng dumating ito sa venue at makitang ganu’n kalaki ang nasabing event.

ADVERTISING

Walang tigil ang piktoryal ng fans kay Derrick. Tsikahan at pirmahan ng autograph bago nag-umpisa ang programa. May games pang nangyari. Sa gitna ng kasayahan ay ini-announce ni Derrick ang mga up-coming show niya sa GMA-7, magkakaroon siya ng solo drama show at pelikula na siya ang bida. Katatapos lang ng Tween Hearts habang mapapanood din si Derrcik sa Party Pilipinas every Sunday.

Papasok na rin siya sa Luna Blanca at posibleng makapareha ang “balugang” si Bea Binene. Maging sa Bubble Gang ay magiging semi-regular na rin si Derrick.

Magkakaroon din siya ng isang malaking concert mula sa Frontstage Multimedia Production, kung saan makakasama niya ang dalawang talented young singer-dancer na sina Lemuel Moico at Juris Ocampo na naghandog ng sayaw sa fans. Mapapanood ang concert sa July 28, 2012 sa Fortune, Marikina covered court, 4pm sa direksyon ni Lhej Fernando at prodyus ni Ms. Malou Salinas and Mr. Alex.

Tsuk!!!

 

INILUNSAD NA nga sina Alden Richards at Louise de los Reyes bilang bagong loveteam ng Kapuso Network via One True Love at base sa teaser na napapanood, tungkol ito sa magkapatid na pinaghiwalay noong bata pa at nu’ng lumaki ay nagkita pero nagkainlaban sa isa’t isa not knowing na magkapatid nga sila. ‘Yun ang magiging conflict nu’ng story kaya paglaki nila ay punung-puno ng drama at maraming confrontation scene lalo pa’t kasama ang mga batikang sina Jean Garcia (Gawad Urian 2012 Best Supporting Actress), Raymond Bagatsing at ang bagong Kapuso na si Agot Isidro bilang mga magulang ng dalawa.

Tinupad ng GMA-7 ang promise kay Alden na gagawin itong isang malaking artista at bagong leading man in the tradition of Dingdong Dantes at Dennis Trillo na well-established na bilang leading men ng istasyon. Tuloy, maraming naiinggit kay Alden among the Kapuso stars tulad daw ni Enzo Pineda na matagal nang inaasam na magkaroon ng sariling teleserye. Bakit nga naman hindi eh, nauna siya kay Alden at produkto pa siya ng Starstruck at muntik pa ngang manalo, ‘no?

May nakita siguro ang mga bossing ng GMA-7 kay Alden at binase nila iyon sa popularity at du’n kulang si Enzo bukod pa raw sa mahusay itong umarte. Nakatulong din ang pinagpipistahang billboard ni Alden para sa Folded and Hung na dahilan upang hindi mapagkatulog ang mga beki at kababaihan.

May pressure lang sa young actor dahil kailangang mag-rate ang show niya at nakasalalay ‘yun sa kanya kung talaga ngang sikat na siya.

May mga naririnig lang kaming komento kung bakit si Louise daw ang itinambal kay Alden? Sana raw ay fresh din at bet nila si Janine Guttierez na anak ni Lotlot de Leon. Perfect daw si Janine para kay Alden at kung ito raw, mala-Mang Kepweng,mas panonoorin pa ito. Siyempre, gaya ni Alden, sikat na sikat na rin si Janine at marami nang followers. Pagsama-samahin mo ba ang mga maka-Lotlot at ng lola niyang si Nora Aunor na maka-Janine na rin eh, ‘di ba bonggang-bongga ‘yun?

‘Yun lang naman ang sabi….

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING