Derrick Monasterio, handa na raw magpasilip ng ‘bakat’

ADVERTISING

Derrick Monasterio, handa na raw magpasilip ng ‘bakat’

Derrick-MonasterioBUKOD PALA kina Alex Medina at Alex Castro na nakaranas ng panghihipo sa kanilang pagkalalaki sa nakaraang fashion show, nabiktima rin daw pala si Derrick Monasterio.

Sabi ni Derrick, hindi siya makapaniwalang napagsamantalahan din nang lumapit siya sa audience. First time daw siyang nakaranas na mahipuan sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Pero sa halip na magreklamo, binalewala na lang daw ni Derrick ang nangyari dahil inaasahan na raw niya na may mangyayaring ganoon sa naturang show. Nagulat na lang daw siya nang maramdaman na may dumakma sa kanyang ari, pero binalewala at nagpatuloy sa pagrampa.

Mensahe nga niya sa nangyari: “Sa mga hindi nakahipo, sorry na lang kayo!”

Proud si Derrick na kasama siya sa mga kapwa niya actor na rumampa. Nangako na sa susunod na pagrampa sa nasabing event, mas magiging daring na raw siya.

ADVERTISING

Handa na raw siya sa mga sexy roles at maging daring sa pelikula. Pero wala lang daw frontal nudity. Hanggang pasilip lang daw ng bakat kapag kinailangan talaga sa istorya ng pelikula. Payag daw siya sa ideyang maghuhubad siya ng pantalon at lalantad ang suot na masikip na boxers.

Samantalang itinanggi ni Derrick na sila na ngayon ni Bea Binene. Magkaibigan lang daw sila at mananatiling magkaibigan hanggang sa wakas.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING