Derrick Monasterio, ‘di pa ready na magbilad ng katawan

ADVERTISING

Derrick Monasterio, ‘di pa ready na magbilad ng katawan

Derrick-MonasterioBUMAGAY KAY Derrick Monasterio ang pagpapatubo niya ng manipis na balbas at bigote.  Naisip daw niya na subukan ang ganitong look matapos siyang magbakasyon sa Boracay.

“Gusto ko pong mag-experiment ng mga bagong bagay gaya ng bagong look,” aniya.

“Ang ending, hindi ako nag-shave hanggang nag-first taping kami ng The Half Sisters,” pagtukoy ni Derrick sa bagong soap ng GMA 7 kung saan kasama niya sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Andrei Paras.

“Biglang sabi sa akin ng director… uy, bagay naman kaya okey na ‘yan para at least mabago ang image mo.”

ADVERTISING

Hindi na boyish kundi young man na ang kanyang dating. Pupuwede nang mag-sexy pictorial for Cosmo o kaya ay rumampa sa Cosmo Bash.

“Sa tingin ko hindi pa po, e. Siguro pagdating ko ng edad na 21. Ngayon, 18 pa lang ako. So, mga three years pa bago ako maging ready. Wala pa po kasi akong panlaban, e!” sabay tawa ni Derrick.

Pero unti-unti ay gusto na raw nga niyang kumawala sa teeny bopper image. At okey na rin daw siya na sumubok sa mga medyo mature nang roles. Kung mabibigyan lang ako ng chance, okey na. Ready na ako.”

Gano’n pa man, masaya raw siya sa role na ibinigay sa kanya sa The Half Sisters.

“Mahirap po ang character ko rito. For the first time!” tawa niya ulit. “Ako po ‘yong parang bodyguard ni Andrei. Tapos pareho kaming nagkagusto kay Barbie hanggang maging magkaribal kami. Bandang huli, magkakaroon kami ng conflict ni Andrei. Tapos kami rin ni Barbie.”

Dahil naging magkatambal na sina ni Barbie dati, komportable na raw silang katrabaho ang isa’t isa. ‘Yon nga lang, pakiramdam ni Derrick, nanibago raw ang young actress sa look niya ngayong nagpatubo siya ng bigote at balbas.

“Hindi niya yata gusto ‘yong ganitong new look ko!” tawa ulit niya. “Hindi niya gusto, sa pagkakaalam ko.”

Bakit hindi nagustuhan ni Barbie? “Hindi ko na po tinanong sa kanya. Siguro, ang gusto niya… cutie-cutie. Ayaw niya ng ganito na may balbas at bigote! Hahaha! Siyempre bata pa siya, kaya siguro ayaw niya ng ganitong hitsura.”

It’s been a month simula nang mag-reformat ang Sunday All Stars (SAS) at isa nga si Derrick sa mga tinanggal. Nami-miss ba niya ang pagpi-perform tuwing Linggo sa nabanggit na musical variety show ng GMA?

“Opo. Medyo nakami-miss din.”

Ikinalungkot ba niya ang pagkawala sa SAS? “Opo. Nalungkot naman ako. Pero, uhm… ngayong wala akong ginagawa ‘pag Sunday, mas nakaka-bonding ko ang pamilya ko. Tapos nakakapunta ako sa simbahan. Nagagawa ko ‘yong mga dating hindi ko nagagawa ‘pag Sunday. At saka meron naman po akong The Half Sisters. Kaya I’ll take my weekends as a break na rin for me.”

Nabigla ba siya nang sabihin sa kanya na isa siya sa tatanggalin sa show? “A… medyo! Pero as I said, okey lang naman po ‘yon kasi kapag may sumarang pinto… may bubukas na bintana.”

May mga nagtatanong, ano raw ba kaya ang naging dahilan kung bakit isa si Derrick sa mga tinanggal sa SAS?

“Walang budget!” napahalakhak na biro ni Derrick. “Hindi! Joke lang. Hindi ko po alam, e. Hindi ko po alam.”

Pinakahuling nawala na rin sa SAS ay si Mark Herras. At ang rason ay ‘yong lumabas na interview na may nasabi itong boring na raw ang show.

“Nabalitaan ko nga po ‘yan. A… ‘yon nga, e. Sobrang daming… grabeng talents ang nawala. Sina Jay R, sina Yassi (Pressman)… kaya hindi ko alam kung ano ang basehan, e. Hindi ko alam kung ano ang nangyari,” napakibit-balikat na lang na sabi pa ni Derrick.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING