Derrick Monasterio, bibida sa dalawang programa ng GMA ngayong Linggo!

MISS MO NA ba si Derrick Monasterio? Oo, every night ay napapanood pa rin ang programang kinabibilangan niya na ‘Legal Wives’, pero hindi siya ang bida roon. Siguradong miss na ng mga tagahanga niya na makita ang kanyang kenkoy side at s’yempre, ang kanyang pinagkaka-ingatan na abs!

Derrick Monasterio, bibida sa dalawang programa ng GMA ngayong Linggo!
Derrick Monasterio in ‘Karinderya Queens’ and ‘Oh My Oppa’

No need to fret dahil ngayong Sunday ay may Derrick Monasterio Day ang Kapuso network! Given na malaki ang possibility na masisilayan natin ang hunk actor as a performer sa All-Out Sunday kung saan nakikipagsabayan siya sa equally talented Kapuso talents by singing and dancing, there’s more pa!

Si Derrick Monasterio ang lalaking pag-aagawan ng real-life beauty queens na sina Maxine Medina (Miss Universe Philippines 2016) at Casie Banks (Miss World 2019 2nd Princess) sa Regal Studio Presents: Karinderya Queens. Trailer pa lang ay may pa-abs na si Derrick na very dreamy ang kanyang pagdating na ikina-shookt ng ating mga nagwawarlang reyna. Sino kaya ang mananalo sa puso ni Papa Dante?

Derrick Monasterio, bibida sa dalawang programa ng GMA ngayong Linggo!
Derrick Monasterio, Sanya Lopez and Gil Cuerva

By dinner time naman ay may reunion sila ni Sanya Lopez sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko Presents: Oh my OPPA’. Si Sanya leading lady niya sa sexy-romance movie na ‘Wild and Free’ ng Regal noong 2018. Dito naman ay gagampanan ni Derrick ang papel na Toti, isang hotel staff na lulumpo-lumpo na may gusto kay Sanya. Makakasama rin nila rito sina Gil Cuerva, Ashley Ortega at Jon Lucas.

‘O, ‘diba? Busog na busog ang mga nagmamahal kay Derrick Monasterio! Idagdag pa na puro feel-good concepts ang mga episode na pagbibidahan niya. Lavet!