Derrick Monasterio balik-teleserye sa ‘Return to Paradise’

MISS NIYO na bang mapanood regularly ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio? The long wait is over dahil bibida na muli ang aktor sa bagong afternoon series ng GMA-7 na pinamagatang ‘Return to Paradise‘, kung saan makakatambal niya ang newest Kapuso sexy actress na si Elle Villanueva.

Derrick Monasterio balik-teleserye sa 'Return to Paradise'
Derrick Monasterio

Sa panayam sa kanya ng GMA Network ay natuwa at nagulat siya nang malaman na kasama siya sa bagong afternoon series ng GMA na kasama rin ang ilan sa mga beteranong artista tulad nina Eula Valdez, Ricardo Cepeda, Allen Dizon at Teresa Loyzaga.

“I was so surprised as well and s’yempre sobrang saya ko rin and every show naman na ginagawa ko, every show na binibigay sa akin, sobrang grabe ‘yung pagpapasalamat ko kay Lord.

“Kapag nalaman ko ‘yung news, nagpe-pray talaga ako, and nagte-thank you ako, and humihingi ako ng guidance. So, happy [ako],” pahayag ni Derrick.

Bago pa inumpisahan ang lock-in taping ng programa ay nagpahayag na ng pagkagalak si Derrick na si Elle ang kanyang makakatambal. Panibago ang tambalang ito na siguradong kapapanabikan ng viewers.

“Masayang-masaya ako na si Elle ‘yung ka-partner ko rito kasi sa workshop pa lang, click na kami agad, e. Tapos madali siyang pakisamahan, and ang ganda, ganda lang ng banter namin.

“So, feeling ko magkakasundo talaga kami sa island.” sambit pa niya.

Derrick Monasterio balik-teleserye sa 'Return to Paradise'
Derrick Monasterio and Elle Villanueva

Gaganap si Derrick bilang Red habang si Elle naman ay si Eden. Mata-trap sa isang secluded island ang dalawa, kung saan sila’y magkakadebelopan at maiinlove sa isa’t isa. Lahat ay magbabago nang matuklasan ang koneksyon ng kani-kanilang pamilya.

Mapapanood na ang ‘Return to Paradise’ simula ngayong August 1 sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin sa programa sina Eula Valdez, Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon. Ito ang papalit sa timeslot ng ‘Raising Mamay’ na magtatapos ngayong Biyernes.

Previous article‘I WAS POSITIVE’: Rica Peralejo shares her miscarriage story
Next articleVLOG WATCH: Angel Locsin and husband Neil Arce goes to Madrid, Spain!