Derrick Monasterio, ayaw ligawan si Barbie Forteza

ADVERTISING

Derrick Monasterio, ayaw ligawan si Barbie Forteza

Barbie-Forteza-Derrick-MonasterioMULING MAGKATAMBAL sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa afternoon drama ng GMA 7, ang The Half Sisters. Dahil komportable na ang dalawa sa isa’t isa, inusisa namin si Derrick kung ano ang bago sa kanila ni Barbie. May romansa na bang nagaganap sa kanilang dalawa?

“Wala pa naman po. Kami po ni Barbie eh, sobrang close lang. Very close kami kasi matagal na kaming magkaibigan,” sangga ng guwapong batang aktor sa amin.

Pero may tsikang “mahal” ang tawagan nila sa isa’t isa pati sa kanilang mga text?

“Mahal ko naman po talaga siya, eh. Kasi nga matalik na kaibigan ko siya. Ganu’n naman kapag kaibigan mo, ‘di ba, mahal mo?” nakatawang sagot pa ulit niya.

ADVERTISING

Bakit hindi pa nauuwi sa ligawan ang “closeness” nila ni Barbie?

“Ano kasi… mas maganda kung friends kami. Kasi, focus kami sa career namin, eh. I mean, dito na muna kami nagko-concentrate. Alaga ko naman siya, eh… bilang kaibigan at bilang ka-loveteam.

“Lagi naman kaming nagkikita. Minsan, we eat out na kaming dalawa lang. Ganu’n ang friendship namin ni Barbie. As in, we’re comfortable na sa isa’t isa,” paliwanag pa ni Derrick.

Pagdating naman sa mga role, gusto ni Derrick na makagawa ng challenging roles kung saan mailalabas niya ang kakayahan niya sa pag-arte.

“Actually, kakatapos lang ng acting workshop namin kay Direk Maryo J. delos Reyes at kasama ako sa first batch. Marami akong natutunan du’n na sa palagay ko ay magagamit ko.

“Ready naman ako kung mabibigyan ako ng ibang klaseng role na malayo sa personality ko. Open ako sa ganyan. Siyempre, pinaghahandaan ko naman po lagi sa bawat proyekto na ibinibigay at ipinagkakatiwala sa akin ng GMA 7,” huling sabi pa ni Derrick.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING