Derek Ramsay, umamin nang may asawa’t anak

ADVERTISING

Derek Ramsay, umamin nang may asawa’t anak

Derek-RamsayPINAGPUPUSTAHAN NOON ng ilan kung mabubuking si Derek Ramsay na may itinatago siyang asawa at anak. Hayun na’t naglabasan ang mga litrato kamakailan na kuha ng sexy hunk kasama ang babaeng pinakasalan niya sa huwes noong 2002 na nagngangalang Mary Cristine Jolly na nagbunga ng isang batang lalaki na ngayon ay edad onse na.

Ewan ko kung papaano nabuking ng publiko na ngayon ay nakisawsaw na ang social media sa lihim ni Derek na ewan ko rin kung bakit itinago-tago niya sa matagal na panahon.

Mula sa kanyang pagbabalik galing Canada, nagsalita na rin sa wakas si Derek sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas ng kanyang kampo na inaamin niyang nakasal siya kay Mary Cristine at anak niya ang batang si Justin Gabriel Ramsay na nitong 2011 lang niya napatunayan. Pero may karugtong na depensa si Derek tungkol sa sinasabing “kasal” niya kay Mary Cristine sa kanyang counter affidavit.

Sa kanyang official statement nakasaad na: “First, that Mary Christine Jolly and I were married in 2002, a marriage that I was then told, was not valid, for various reasons. Atty. Joji Alonso has subsequently explained to me that the information given me about the status of my marriage, is erroneous and that a marriage unless annulled, remains to be valid.

ADVERTISING

“Second, that I have an eleven-year old son named Austin Gabriel Ramsay. It was only sometime in the early part of August 2011, that I was able to confirm that Austin is indeed my son. Since then, I wanted to know my son first and keep my relationship with him, private. Austin was just an 8 year old boy then and he would not be able to comprehend the possible media curiosity about him, especially since he was then new to the country and about to pursue his education here,” paliwanag ni Derek sa kanyang statement.

Kung ano man ang kahihinatnan ng kuwentong ito, hayaan na lang natin ang mga evidence at depensa ng sexy hunk sa korte para maniwala muli ang publiko sa kanya.

Pero napag-alaman namin na kaya pala hindi niya mapakasalan noon si Solenn Heussaff na nakarelasyon niya for more than five years ay dahil kasal siya. Same issue rin ang dahilan kung bakit after almost seven years na nagmahalan ay hindi niya mapanagutan si Angelica Panganiban na naghihintay na lang na ayain niya ang aktres na magpakasal sila.

Kung maalala pa, sa hiwalayang Derek-Angelica, hindi naging malinaw ang naging dahilan ng split-up ng dalawa noon. Isinisisi ng karamihan na si Angelica ang nangaliwa sa relasyon nila na na-develop ito kay John Lloyd Cruz (nagsama kasi sila sa Hanoi, Vietnam sa shooting ng Star Cinema movie na 24/7). Ito ang sumalo sa kaliwa’t kanang puna at banat.

Pero ang totoo, natauhan si Angelica na ang relasyon nila ni Derek ay walang kapupuntahan. Siya ang babae na umaasa na pakakasalan ng lalaking mahal niya ay nagagamit, nagagasgas at naluluma habang dumadaan ang panahon na ang “kasal” na inaasam-asam niya ay hindi talaga mangyayari dahil ang lalaking mahal niya na inaasahan na pakakasalan siya ay kasal na pala.

Sa pag-amin ni Derek na yes, kasal siya kay Mary Cristine Jolly, ano kaya ang kahihinatnan ng ‘career’ ni Derek? Alam n’yo naman angmga Pinoy, ayaw ng nagsisinungaling.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING