Derek Ramsay, umalma kaagad sa pag-uugnay sa kanila ni Ellen Adarna

OH, MY GULAY! Sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na ba ang latest showbiz couple to root for and talk about?

Nag-umpisa ang pagli-link sa hunk and sexy actress nang magpost si Ruffa Gutierrez ng updates via Instagram stories kung saan kitang-kita ang pagwawalwal sa bahay ni Derek Ramsay ng ilang artista tulad nina John Estrada at Ellen Adarna.

Ngayong buwan ay nakatakda na ang pagbabalik-telebisyon ng controversial sexy actress sa pamamagitan ng bagong TV5 family sitcom na ‘John En Ellen‘.

Derek Ramsay, umalma kaagad sa pag-uugnay sa kanila ni Ellen Adarna
Derek Ramsay, Ruffa Gutierrez and Ellen Adarna

Ito marahil ang dahilan kung bakit present si Ellen sa party sa bahay ni Derek, na very close kay John Estrada. Magkakalapit lang din ang mga bahay nila kaya keribels lang din naman na mag-house party basta safe lang lahat, ‘diba?

Siguro’y napagtripan lang nila na magpost ng Instagram updates dahil siguradong pag-uusapan sila ng netizens (kaya nga sinusulat natin ito ngayon! hek-hek!).

“Walang malisya” caption ni Ruffa sa larawang nagtititigan lang sina Ellen at Derek, na as far as we’re concerned ay mga single naman (yata?).

“This will be a very interesting evening,” sulat ni Ruffa sa isa pang IG update.

Sa isa pang video ay pa-lambing na tinanong ni Ruffa si Ellen ng “Do you love me.?

Sumagot si Ellen ng , “I love you, but I love… him.”

“Hanging out with my super fun neighbors,” sambit ni Ruffa sa isang IG post kung saan kasama niya ang kanyang playful neighbors na sina Ellen at Derek.

“Love thy neighbor! Great fun guys!” post ni Derek.

Ruffa playfully answered: “Hmmm… parang LOVE THY WOMEN is more bagay.”

Ano ang common denominator nina Ruffa at Ellen? Si John Lloyd.

What about John Lloyd and Derek? Si Angelica Panganiban.

O ‘diba, ikot-ikot lang? Haha! Well, there’s nothing wrong with neighbors having fun lalo na ngayon na karamihan sa atin ay naka-lockdown. Just remember to stay safe sa Covid at sa kung ano pa man ‘yan.

Kung madevelop man si Derek kina Ruffa o Ellen, it’s their lives naman and they’re single – ready to mingle or more!