Derek Ramsay, todo-todo ang suportang natatanggap mula sa Singko

ADVERTISING

Derek Ramsay, todo-todo ang suportang natatanggap mula sa Singko

Derek Ramsay, todo-todo ang suportang natatanggap mula sa SingkoKAHIT NAMAN umalis si Derek Ramsay sa bakuran ng ABS-CBN ay naging maganda rin naman ang kinalabasan ng kanyang showbiz career ngayong nasa bakuran na siya ng TV5. Kahit naman ang guwapong actor at TV host ay alam ang pagkakaiba nu’ng nasa bakuran pa siya ng Kapamilya Network, dahil talagang naging mabilis ang kanyang pagsikat, at hindi niya inaasahan iyon. Sapagka’t ang pinaniniwalaan niya noon ay parang huli na ang pagpasok niya sa showbiz, dahil hindi na siya bagets.

Kontrobersiyal ang naging pag-alis ni Derek sa Dos, pero hindi humihiwalay sa kanyang career ang good karma, dahil marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Kahit wala na siya sa ABS ay mananatili raw bahagi sa kuwento ng kanyang pag-aartista ang kasikatan na nangyari sa kanya nu’ng nasa Channel 2 pa siya. Ngayon kasi, todo-suporta rin sa kanya ang nilipatang network, dahil bukod sa pagho-host ng sariling programa ay pinagbida na rin siya ngayon sa teleseryeng Kidlat.

Kung ang ABS ay mayroon ngayong ipinagmamalaking teleseryeng Juan dela Cruz ni Coco Martin, at may Indio si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa GMA-7, si Derek ang pantapat sa kanila ng Kapatid Network sa kanyang Kidlat. Malaki ang tiwala ng Singko kay Derek, dahil patuloy ngang mainit ang popularity ng actor. Panlaban si Ramsay ng kumpanya ni Mr. Manny V. Pangilinan, dahil kulang na kulang pa rin namang talaga ang Singko sa mga artistang nagtataglay ng kasikatang sinusuportahan ng mga fans.

 

ADVERTISING

PANAHON TALAGA ng kasikatan ngayon ni Kris Aquino pagdating sa paggawa ng pelikula, dahil nga ilang magkakasunod na pelikula niya gaya ng Sisterakas ng Star Cinema ang pumatok sa takilya. Kaya nga, nalulunod siya ngayon sa dami ng magagandang alok na proyekto. Pero kahit masaya si Tetay na marami siyang trabaho, ay takot naman siya sa sitwasyon na lagi siyang nagkakasakit kapag nasasagad na siya sa dami ng trabaho.

Kahit ganyan na ang edad ngayon ni Kris, palibhasa’y bunso siya sa kanilang pamilya, kaya para siyang bata na iniisip na kung mayroong masamang mangyayari sa kanya ngayon, ay parang hindi niya matatanggap. Solved na siya sa magagandang nangyari sa buong buhay niya, pero dahil nariyan nga ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby, gusto pa rin daw niyang masundan ng bonggang-bongga ang paglalakihan ng kanyang mga anak.

Magaling si Kris maghati-hati ng kanyang oras, dahil matalino siyang tao. Hindi niya napapabayaan ang kanyang career, ang kanyang pamilya, ang kanyang dalawang anak, maging ang kanyang sarili, kahit wala pa siyang lovelife. Tutok siya ngayon sa kanyang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw ng ABS-CBN, at tinupad niya ang kanyang pangako, na pagdating sa acting ay mayroon siyang bagong ipakikita sa teleseryeng ito.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING