Derek Ramsay, todo-proteksiyon sa love scenes nila ni Lovi Poe sa “The Escort”

ADVERTISING

Derek Ramsay, todo-proteksiyon sa love scenes nila ni Lovi Poe sa “The Escort”

Derek Ramsay and Lovi Poe
Derek Ramsay and Lovi Poe

Very gentleman si Derek Ramsay sa mga leading ladies niya lalo na kung may love scenes.

Sa kanilang bed scenes ni Lovi Poe sa “The Escort” ay todo ang protection na ibinigay ni Derek.

“At first nakadalawang  protection pa siya. But then hindi talaga maano ‘yung daya dahil nakikita. I told her, ‘I guarantee you. You’ll be safe.’ It came to the point na halos wala na.  Talagang I protected her para hindi siya mabosohan. Mahirap kasi  kapag umaarte ka tapos iniisip mo pa ‘yun, eh. Lalabas ‘yun eh,” say ng hunk actor.

So, paano niya ginawa iyon?

ADVERTISING

Derek was not selfish to share how he did it.

“You just have to keep her chest pressed to yours especially kapag transition lang ang positioning. You  gather her close to you. Puwede mo nang iarte ‘yun na nanggigigil ka para malipat lang siya,” paliwanag niya.

May isa pang sinusunod na “batas” si Derek when it comes to executinhg love scenes. Kailangang hindi siya makaramdam ng libido o maapektuhan sa mainit na eksena.

“Big no, no sa akin ‘yan. Kaya kong mag-control. You shut yourself out, talagang hindi ka puwede. Nakatutulong din ang ilaw, mga taong nakatingin, mga vocal cues. With this one, when we did our love scene it was different, kasi the director allowed us to use music. It even helped to make it more passionate, intimate and sexy so it was kinda harder to switch yourself off,” say niya.

“I won’t start the scene kung hindi ko alam kung kontrolado ko na. I always tell direk, ‘direk, teka lang, ha.’ And then I just meditate, internalize and go,” dagdag pa niya.

Para kay Derek, effortless si Lovi sa pagpapaseksi. Bilib na bilib nga siya sa latest cover photo nito for a men’s magazine.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING