Derek Ramsay to Ellen Adarna: ‘Thank you for loving me and allowing me to love you’

SURPRISE! Engaged na ang controversial 2021 couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Hindi po ito April Fools’ Day joke dahil bukas pa ang April 1 (unless.. charot!). Ito ang inanunsyo kahapon ng quarantine lovebirds na whirlwind romance ang peg ng kanilang love story.

Derek Ramsay to Ellen Adarna: ‘Thank you for loving me and allowing me to love you'
Derek Ramsay and Ellen Adarna

Kahapon, March 30 nag-propose si Derek sa kanyang future wifey na si Ellen. Ngayong araw ay ibinunyag ng soon-to-be groom na nakaramdam siya ng chemistry sa pagitan nila ni Ellen kaya naramdaman niya na ito na talaga ang babaeng kanyang pakakasalan.

Post ni Derek para kay Ellen sa kanyang Instagram: “Since the day we first met @maria.elena.adarna the chemistry between us has been undeniable, its so strong that i have to catch my breath at times. I’ve always said that love is intangible, something you can’t see or touch…but now I believe otherwise.

The chemistry between us that has left me reeling at times has made me see, feel, and grasp this unexplainably deep love i now have. When I look at you I see love and when I touch you I embrace love. Lasth night we were surrounded by so much love. I am honoured and grateful that you said YES BUT most of all Thank you for loving me and allowing me to love you…”

Sumagot si Ellen at sinabi ang matamis na, “I love you so very much.”

Ginulat ni Derek hindi lang si Ellen kundi ang mga taong nakaabang sa kanilang progressing love story. Mahigit isang buwan pa lang nilang kinumpirma ang kanilang relasyon at ito nga’t mukhang sa simbahan na talaga ang tuloy!

Maging ang kani-kanilang anak (Elias and Austin) ay present sa proposal ni Derek kay Ellen.

Huling nakarelasyon ni Derek Ramsay ang Kapuso actress na si Andrea Torres. Naghiwalay sila late last year pagkatapos ng halos dalawang taong relasyon.  Noong 2019 pa hiwalay si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Congratulations to our lovely couple! This year na rin kaya ang kasal? Stay in love!