Derek Ramsay, tinanggihan si Claudine Barretto

ADVERTISING

Derek Ramsay, tinanggihan si Claudine Barretto

Derek-Ramsay-Claudine-BarrettoAfter TV5’s recent trade launch, sumunod kaya ang “trade of barbs” sa pagitan nina Claudine Barretto at Derek Ramsay?

At the said event kasi, outright na tinanggihan ng hunk actor to be paired with Claudine sa isang teleserye which will star them both.

Ang tanging dahilan lang na naiisip ng marami ay ang kunek ni Claudine sa past lovelife ni Derek, na noong karelasyon si Angelica Panganiban ay naugnay si Claudine kay Martin, best friend ni Derek. As a result, sina Claudine at Angelica naman ang pinagsabong.

But can Derek be professional enough na tanggapin ang proyekto, tutal naman ay matagal na silang wala ni Angelica? Besides, all that Claudine wants is to buckle down to work lalo’t balitang may sakit si Mommy Inday.

ADVERTISING

Samantala, talks are floating around na may tampo si Derek sa TV5. May kinalaman umano ‘yon sa ‘di na pagbibida ni Derek compared to the previous trade launches when he seemed to be the “man of the hour”.

Lest Derek forget, dumating sa puntong kulang na lang ay sumuko siya sa rami ng mga proyektong tinatatanggap niya one after another sa TV5. Ito pa namang teleserye kasama si Claudine ang tatablahin niya, samantalang sa tambalan pa lang nila’y pre-sold na ito as far as publicity slants are concerned?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING