DEREK RAMSAY TAKOT MAGPA-KASAL?

ADVERTISING

DEREK RAMSAY TAKOT MAGPA-KASAL?

DEREK RAMSAY TAKOT MAGPA-KASAL?
Derek Ramsay

PANGATLONG pagkakataon na magsasama sa pelikula sina Derek Ramsay at Bea Alonzo sa pelikula ni Direk Ruel Bayani sa

ADVERTISING

Tipong adult romance ang tema ng pelikula kung saan si Derek ang panggulo sa relasyon nina Bea at Paulo Avelino.

Dahil sa tema ng pelikula ni Derek ay tungkol sa Kasal, madami ang naghihintay kung kailan nga ba ihaharap ng sexy hunk ang girlfriend niya na si Joanne Villablanca na isang modelo na pag may pagkakataon ay isinasama ni Derek ang gf sa mga showbiz functions kaya hindi na naiilang ito sa mga entertainment press kapag natatanong at naiinterview.

Sa presscon ay pinabulaanan ni Derek ang tsika at image niya na wala siya plano magpakasal dahil hindi siya naniniwala sa usaping ito.

ADVERTISING

Depensa niya at pagpapaliwanag: “That’s not true. I strongly do. My parents have been happily married for 40 years plus. I have the perfect example to follow.” sabi niya.

Rason kung bakit hindi pa rin siya nagpapatali ay paniwala ni Derek ay kailangan niya maging sigurado.”Why it’s taking me so long because I really want to be sure. There’s no option of jumping into that, trying to be in a rush,” paliwanag niya sa press na dumalo sa presscon ng movie nila nina Bea at Paulo na madami ang excited dahil bagong chemistry sa wide screen ang pagkasama ni Paulo sa magiging love triangle nilang tatlo.

Para kay Derek, sacred and kasal at pinaghahandaan ito.” You should take your time. What’s the rush if you should be spending the rest of your life together?,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa ni Derek tungkol sa isyung Kasal:” People fall in love that specific day but kasal or marriage is not that specific day, it’s the rest of your life. ” kuwento niya.

Sa pelikula ay makakasama ng tatlong mga bida sina Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Legaspi, Chris Vilonco, Kylie Versoza, Vin Abrenica, Bobby Andrews, Cai Cortez at ang baguhan na si JC Alcantara. Showing ang adult romance next week May 16 sa mga sinehan nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING