Derek Ramsay, proud na inirampa ang girlfriend sa premiere night ng “Love Is Blind”

ADVERTISING

Derek Ramsay, proud na inirampa ang girlfriend sa premiere night ng "Love Is Blind"

Derek Ramsay and Girlfriend Joanne Villablanca With Mother Lily Monteverde
Derek Ramsay and Girlfriend Joanne Villablanca With Mother Lily Monteverde

Proud si Derek Ramsay sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca.

ADVERTISING

Sa “Love is Blind” red carpet premiere, happy si Derek Ramsay na irampa ang girlfriend na may katangkaran din and looks like former beauty queen and model na si Patty Betita.

Yes, ang amo ng mukha ni Joanne na palaging naka-smile at wala ring sawa na nakikipag-picture-piktyuran sa mga fans ni Derek that evening.

Unlike other non-showbiz girlfriends ng mga showbiz male celebrities natin, si Joanne, very accommodating. Hindi nagtatago sa harap kamera. Walang kebs kung makunan man siya ng picture. The fact na sumama siya kay Derek, alam niya na kapag nakilala siya ng media, hindi maiiwasan na magka-interest sa kanya ang press at may mang-uurirat.

ADVERTISING

Hindi stage girlfriend si Joanne based sa obserbasyon namin that evening from our table, which is a good sign na ibig sabihin lang ay naiintindihan niya ang mundo ng kanyang boyfriend. Kesehodang may mga kissing scene ang boyfriend niya sa ex-girlfriend na si Solenn Heussaff sa mga eksena niya sa “Love is Blind” ay deadma lang ito.

Si Joanne is almost 16 years younger kay Derek at may isang 8 years old na anak na babae na kahawig ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING