Derek Ramsay, propesyunal sa trabaho kahit may malaking problema

ADVERTISING

Derek Ramsay, propesyunal sa trabaho kahit may malaking problema

2 Derek-RamsaySALUDO ANG pamunuan ng TV5 kay Derek Ramsay, lalung-lalo na ang mga tao sa likod ng The Amazing Race Philippines Season 2 dahil kahit na may malaking probema itong pinagdaraanan, nagagawa pa rin nitong maging maganda ang trabaho at parang wala itong pinagdaraanang mabigat na problema sa tuwing nakaharap sa kamera.

SABAY NG launching ng The Amazing Race Philippines Season 2 ang bagong batch ng Racers na sina RR and Jeck (Sexy Besties), Tina and Avy (Blondies), Eji and Roch (The Chefs), Matt and Phoebe (Dating Couple), Daniel and Charlie (Team Juan), Aj and Jody (Mag-Ama), Vince and Ed (Team Nerds), Zarah and Osang (Travel Buddies), JP and Kelvin (Team Mr. Pogi), Yna and Jet (Magkapatid) at Chen and Luz (Pinay World Champs). Kung saan ang mananalong Racers ay makapag-uuwi ng P2 million cash, house and lot at kotse.
Bago nagsimula ang presscon ng The Amazing Race Philippines Season 2, pinatikim muna ng pamunuan ng TARP season 2 sa ilang press people kung papano ang maging Racer, kung saan sa bawat press people ay binigyan ng makakasama mula sa mga Racers ng The Amazing Race Philippines Season 2. Kung saan hinirang na winner ang inyong lingkod (John Fontanilla kasama ang Team Mr. Pogi na sina JP at Kelvin), naging 2nd placer naman si Nerissa Almo ng PEP kasama ang Sexy Besties na sina RR at Jeck, habang 3rd placer naman si Anne Venancio (X Files Editor) kasama ang Blondies na sina Tina at Avy.
Magsisimulang mapanood ang The Amazing Race Philippines simula sa Oct 06 , 2014 mula Monday to Sunday ng 9pm.
Winners ng Misters of The Philippines 2014, pinakabagong ambassadors ng UniSilver Time

 

NEWEST ADDITION sa lumalaking pamilya ng UniSilver Time ang bagong batches ng ambassadors nito, at ito ang mga winner ng 2014 Misters of The Philippines na ginanap ang contract-signing sa Crown Prince Seafoods Restaurant, Escolta, Binondo, Manila.
Ang winners ng Misters of The Philippines ay binubuo nina Mr. International Philippines (Neil Perez), Mr .Global Philippines (Joseph Doruelo), Mr. Model International Philippines (Adam Davies), at Mr. Tourism International (Judah Cohen). Present sa nasabing contract-signing ang Vice-President ng UniSilver Time na si Sir William Ong Co at ang manager ng mga Misters Philippines na si Mr. Carlo Galang.
Kaya naman ka-join na ang Misters of The Philippines winners bilang UniSilver Time Ambassadors kasama sina Sam Milby, Karylle, Derek Monasterio, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Teejay Marquez, Kate Lapuz, Joshua Joffe, Joahua Dionisio, Ritz Azul, Sponge Cola, Mart Escudero, Eula Caballero, UPGRADE, atbp.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING