Derek Ramsay, posibleng maagaw ni Gretchen kay Angelica?!

NAGTAKA ANG MGA friends kong host ng Zirkoh-Morato nang mapadpad sa nasabing comedy bar ang aktor na si Jomari Yllana.

Nabalitaan agad ng mga ito sa backstage na ang SexBomb daw ni Ms. Joy Cancio ang pakay ni Jom at gustong panoorin that night.

Naku, buti na lang nandu’n ako! If not, mapag-iisipang may iniispatan si Papa Jom sa mga SexBomb dancers ni Ms. Joy. Although alam naman nating before eh, naidikit ang pangalan niya sa isa sa kanila.

Fiesta pala sa Vigan, Ilocos Sur sa May 1-4 at si Jom ang naatasan ng kanyang very good friend and partner in Fearless Productions na si Ronald Singson na mag-provide ng entertainment sa nasabing kapistahan. At ang SexBomb nga ang gusto nitong kunin kaya pinanood niya ang buong show ng grupo na featured prime artists that night.

Kasama ni Jom na nanonood sa SexBomb ang may-ari siyempre ng Zirkoh-Morato na si Allan K. Nagulat nga si Jom sa performance ng mga alaga ni Ms. Joy, dahil parang isang buong show na nga raw ang nasaksihan niya, na hindi malaswa ang dating.

Sabi ko kay Papa Jom, may mga bata ring tagahanga ang SexBomb kaya up to now, iniingatan nilang mabuti ang iginagalaw nila, sa live man o sa taped shows nila.

Dahil nga nakatulong ng malaki ang pagkakapili kay Jom para siyang maging leading man ni Gretchen Barretto sa pagbabalik nila sa MMK (Maalaala Mo Kaya), kung saan isang maselang papel ang kanyang ginampanan bilang isang paring nagkaroon ng pamilya, tinanong ko siya kung tuluy-tuloy na ba uli ang paglabas niya sa TV?

“Basta may magandang proyekto naman, gaya nu’ng in-offer sa akin, gagawin ko, eh. ‘Yun nga lang, during these times ko nami-miss si Dougs (Quijano). Alam mo, na madasalin akong tao. And in my everyday prayers, basta nagdasal ako, kinakausap ko pa rin siya to guide me pa rin.”

Nakasentro muna si Papa Jom ngayon sa pag-alalay sa mga kapatid na Anjo at Ryan na nasa pulitika. But eventually, tuloy pa rin ang mga obligasyon niya bilang isang co-producer sa kanilang Fearless Productions ni Ronald (Singson).

Ikagugulat ng marami ang mga susunod pang international artists na dadalhin sa bansa ng kumpanya nila.

KUNG HINDI PA nasentro ang tsikahan namin sa usapan tungkol sa mga artistang nalulong sa droga, hindi ko pa malalaman na may alitan na palang namagitan sa mga veteran actresses na sina Daria Ramirez at Deborah Sun.

Linawin ko lang, hindi niya sinabi o pinatungkulan na nagdroga ang nasabing aktres. ‘Yun lang ang pinagmulan ng tsikahan namin at nang makita ko si Deborah sa isang party na pare-pareo naming dinaluhan, saka lang naibulalas ni Tita Daria na hindi pala sila in speaking terms nito. Diumano, may palpak na ginawa ito sa kanya.

Hanggang sa nakalipat na kami ng table at siya namang lapit ang Deborah para magpaalam sa lahat, pero parang walang nakikita ang ‘Ta Daria ko. At umiwas na rin ang Deborah.

Hindi ko naman nausisa kung ano ang pinagmulan ng away nila ng aktres na masasabing naging matalik niyang kaibigan.

Eh, kasi nga, nasentro na ang atensiyon namin sa birthday celebrator na pinuntahan namin that night – na nakagat ng aso – na si Jobert Sucaldito.

SA NAGING SAGOT ni Derek Ramsay sa tanong kung pwede ba siyang ma-fall sa isang Gretchen Barretto (na makakasama niya sa isang soap ng ABS-CBN), kung pareho silang hindi committed, kinilig ang mga nakarinig, ha?

Hindi kasi pinasubalian ‘yun ni Derek at parang sinabing puwedeng-puwede.

Kaya bukod sa pagsubaybay sa pagsasama nila sa trabaho, ang aabangan ngayon eh, kung may mga ‘kalokahang’ gagawin ang La Greta, sa sinisimulan nang ikutan ng mga pag-uusapan sa kanilang dalawa. Malaman kaya natin kung ano ang gimmick lang sa totohanan na pala?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleMga Bituing Tulad Natin: Matakaw Kapag Buntis (Andrea del Rosario)
Next articlePhoto Oops: Kambiyo ni Anne Curtis!

No posts to display