Derek Ramsay, pinipilit magpaka-ama sa anak

Derek Ramsay, pinipilit magpaka-ama sa anak

Derek-RamsaySA KABILA ng kaliwa’t kanang puna at pagbabatikos kay Derek Ramsay bilang isang pabayang ama sa kanyang anak na si Austin, na naging dahilan para lumaki ang sunog sa sinasabing relasyon niya sa dating misis na umabot sa demandahan na nauwi sa aregluhan( na ang alam ko wala pa bayaran na nagaganap), ginagampanan na ngayon ni Derek ang kanyang role bilang isang ama sa anak na minsan niya itinago (or shall I say pinagdudahan na umabot pa sa pagpapa-DNA sa bata).

Last Wednesday, habang nagkakaroon ng kasiyahan sa Elements Event Center sa Centris para sa TV5 Kapatid Network’s Christmas Party for the entertainment press, sa TV5 Reliance studio naman ay nandu’n si Derek kasama ang anak na si Austin habang isinasagawa ang story conference and pictorial sa bagong palabas nito na Mack n Chiz, kung saan gaganap bilang sidekick niya ang komedyanteng si Empoy Marquez.

May nakapansin na hindi pa gaanong close sina Derek at anak na si Austin. Kahit sabihin bonding time nila ‘yun ng anak, tipong alangan pa ang bata na yumakap at maglambing sa ama.

Kuwento nga ng isang TV5 insider, pilit mang magpaka-“Daddy” ni Derek kay Austin, aloof ang bata sa kanya. Habang kinakausap ng ama ang bata, wala raw itong eye contact sa tatay. Kapag may ipinakikilala na kasamahan niya sa trabaho sa anak, sinasabihan pa raw ni Derek na magbigay-galang ang anak sa mga ito. “Say hi to them,” sabi ni Derek sa anak. At parang “robot” babati naman si Austin sa ipinakikilala, pero wala itong eye contact.

Pero masisi mo ba si Austin kung ganito man ang attitude ng bata? Hindi. Bunga lang ito sa pagiging pabaya ni Derek sa anak sa panahon na lumalaki ito. Hindi mo masisisi si Austin kung hindi man siya ganu’n ka-close sa ama niya dahil sa simula pa lang, hindi na nakilala ni Austin si Derek as his dad.

Pero magandang simula ito para kay Derek na iparamdam kay Austin na sincere siyang makabawi sa pagkukulang niya sa kanya sa panahon na itinanggi siya at hindi kinilala na umabot pa sa pagpapa-DNA. Dahan-dahang maa-achieve din ni Derek ang goal niya na mapalapit sa bata.

At least nasimulan na, basta tuloy-tuloy lang at hindi makaapekto ang relasyon niya sa anak kahit hindi pa stable ang relasyon nilang dalawa ng dating misis na magiging katuwang din niya sa pagpapalaki kay Austin.

Para sa 2015, pampa-good vibes kay Derek ang anak. Aminin man niya o hindi, maalat ang 2014 sa showbiz hunk lalo pa’t nadiskaril ang imahe nito sa paglitaw ng ex-wife sa eksena.

Reyted K
By RK VillaCorta